Kumpirmado na nga ang hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis.
Sa inilabas na 21-second teaser ng Boy Abunda’s “The Interviewer,” tinanong ng host si LJ na: “Ang separation niyo ni Paolo, was it mutual?”
Pigil ang luha na sinabi ng aktres na: “It was so difficult, it was so painful.”
Patuloy niya, “Kung hindi lang malakas ’yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”
Nang tanungin ang aktres kung sino ang humiwalay, sinabi ni LJ na, “Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin.”
Hindi malinaw kung ang ibig sabihin ni LJ kung ang tinutukoy niya ay kung tingin niya ay nanlamig sa kanya si Paolo.
Mapapanood bukas, September 1, sa The Interviewer ng YouTube Channel ni Boy ang exclusive interview nito kay LJ.
Nito lamang nakaraang linggo ng maunang kumpirmahin ni Lolit Solis ang hiwalayan ng celeberity couple.
Aniya, naglahong romansa ang pinag-ugatan ng kanilang breakup.
“Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes. It was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon,”pagbubunyag niya.
Limang taong ang itinagal ng pagsasama nina Paolo at LJ. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang supling.
Si Summer na dalawang taon na ngayon.
Matatandaan na umugong ang balitang hiwalay na sina LJ at Paolo ng burahin ng aktor ang mga larawan nila ni LJ sa IG nito.
Nag-unfollow na rin si Paolo kay LJ sa social media. Ngunit si LJ magpasa hanggang ngayon ay following pa rin kay Paolo.
Sa ngayon ay tikom pa din ang bibig ng Kapuso actor tungkol sa mga kontrobersiya tungkol sa issue ng hiwalayan.
Narito ang video teaser ng panayam kay LJ:
LJ Reyes, blanko parin sa isipan kung anong dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Paolo Contis
Sinagot na ni LJ Reyes ang mga katanungan tungkol sa hiwalayan nila ng partner na si Paolo Contis.
Sa programang “Mars Pa More,” naglaro ang mga host at guests ng programa ng “Shot o Sagot.” Dito ay kailangan nilang inumin ang nakalagay sa shot glass kung wala silang maisasagot sa tanong.
Sa naturang episode, kasama ni Camille Prats bilang guest co-host si LJ Reyes.
Guest din nila ang mga bagong Kapuso artist na sina Shayne Sava at Kim de Leon na una ng sumabak sa challenge.
Nang si LJ naman ang sumunod na tanungin, ay tungkol sa kanila ni Paolo Contis ang naging topic.
Nasabi sa kanya na ibahagi niya ang pinakamatinding dahilan kung bakit sumama ang loob o nagalit sa kaniya ni Paolo Contis.
Naging mabilis naman at natatawang sumagot si LJ na, “Wala. Ang bait ko eh.”
Dinugtungan naman ito ni Mars Camille kung may nagawa diumano siya para magtampo si Polo sa kanya.
Ani LJ, “Alam mo, hindi kasi siya matampuhin.”
Pinilit pa rin siya ni Camille, pero nanindigan si LJ, “Wala. Hirap naman. Bawal sumagot ng wala.”
Dito medyo nag-isiip si LJ pero sinabi rin niya na, “Wala.”
Dahil walang maisagot at naikuwento si LJ, kinailangan niyang pumili ng iinumin na nakalagay sa shot glass.
Matatandaan na naging mainit na usapin ang hiwalayan nina LJ at Paolo. Mismong manager na ni Paolo na si Lolit Solis ang nagkumprma dito.
Ibinahagi ito ni Lolit sa kanyang Instagram post at sinabing wala umanong third party sa naging hiwalayan ng dalawa.
Samantala, hanggang ngayn ay tikom pa din ang bibig ni Paolo tungkol sa issue.
Narito ang kabuuan ng video ng Mars Pa More:
The post LJ Reyes, kinumpirma na ang hiwalayan nila ni Paolo Contis matapos ang exclusive interview kay Boy Abunda appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments