Looking For Anything Specific?

Kiray Celis, saksi kung gaano inalagaan at binantayan ni Mygz Molino si Mahal

Muling inalala ng Kapuso comedian na si Kiray Celis ang namayapang kaibigan na si Mahal o Noeme Tesorero sa totoong buhay.

Sa kanyang Instagram post ay ipinahayag ni Kiray ang pangungulila niya kay Mahal.

Kinakamusta niya ito at kung masaya na daw ba ang komedyana ngayong kapiling na rin nito ang kanyang ama.

Saad ni Kiray, “Hello ate noeme ko! Happy kapo diyan kasama ng papa mo?! Sana di kana po nahihirapan diyan ate mahal ko.”

Sinabi din ni Kiray na dapat ay kamustahin din ang pamilyang naiwan ni Mahal at pati na din si Mygz Molino.

“At wag rin po natin kalimutan na kamustahin ang family ni ate saka si kuya mygz.”

Ikinwento din ni Kiray kung paano niya nasaksihan ang pag-aalaga at pagmamahal ni Mygz kay Mahal. At saludo daw siya sa ginawang ito ni Mygz.

“Saksi kaming Owe my love family ni ate mahal. Kung gaano niya po mahalin, alagaan, bantayan si ate mahal.”

“Sobrang saludo kami kay kuya mygz. Pagpray po natin si ate, family niya saka po sila kuya mygz. Salamat po.”

Nagbigay din ng maikling trivia si Kiray. Tungkol sa ginampanan nitong role noon.

“Btw, short trivia po. Naalala ko, sabi ko kay ate mahal nun. Picture kami tapos yung caption ko, “KASAMA KO SI KOKEY!!” Hehe! Alam niyo ba na siya yung gumanap na unang kokey? Yung movie ni carlo aquino! Cool no?!”

Sa huli ay muling nalungkot si Kiray at sinabi niya kung gaano niya kamahal ang kanyang Ate Noeme.

“Hayyyy ate noeme.. sarap balik balikan ng mga masasayang panahon na nakasama ka namin. Mahal na mahal ka namin ate!”

Narito ang kabuuan ng post ni Kiray:

Video prank ni Mahal para kay Mygz Molino na nahihirapang huminga muling nagviral sa social media

Nagbalik tanaw ang mga netizens sa mga video noon ng namaalam na komedyanteng si Mahal.

Marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang pamamaalam ng komedyanteng si Mahal. O Noemi Tesorero sa totoong buhay.

Kagabi, August 31, ibinahagi ng kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero ang malungkot na balita. Na pumanaw na ang diminutive comedienne.

Siya ay 46 taong gulang.

Kinumpirma ng nakababata at U.S.-based sister ni Mahal na si Irene Tesorero ang pagpanaw ng kanyang kapatid.

Hindi man naging aktibo sa telebisyon kamakailan, naging aktibo naman sa social media si Mahal kung saan pinasok na rin niya ang vlogging.

Ikinabigla naman ng entertainment industry ang pagpanaw ni Mahal dahil kamakailan nga lamang ay  napanood pa ito sa isang vlog kung saan binisita at tinulungan pa niya ang dating katambal na si Mura.

Kung saan nagkamustahan ang dalawa na dating magkatambal sa mga proyekto na pinagsamahan nila.

Napansin pa nga ng ilang netizen na tila may pahiwatig na umano si Mahal. Sa naging mensahe niya para kay Mura.

Kasunod nang malungkot na balita, sinariwa naman ng iba’t ibang personalidad at malalapit na kaibigan ng komedyana ang masayang buhay niya.

Noong Agosto 30, ay nag-post pa ang rumored boyfriend nitong si Mygz Molino ng vlog. Kung saan makikitang malakas na malakas pa si Mahal habang tawa nang tawa.

Binalikan din ng netizens ang prank video ni Mahal noon kay Mygz. Niloko niya ang Indie actor na hindi umano siya makahinga.

At nais na nitong magpatakbo sa ospital. Makikitang nataranta naman si Mygz sa ginawang ito ni Mahal.

May naglabasan pa ngang maling balita na ito daw umano ay ang huling paghinga ni Mahal. Na taliwas sa totoong pangyayari.

Panoorin dito ang kabuuan ng nasabing video:

The post Kiray Celis, saksi kung gaano inalagaan at binantayan ni Mygz Molino si Mahal appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments