Usapang suot nga lang ba ang itim na sando o may iba pang kahulugan?
Trending ngayon sa social media ang post ng Facebook Page na “The Scoop”
Makikita kasi sa nasabing post ang mga larawan nina Julia Barretto, Heaven Peralejo at Yen Santos.
Saad sa caption, “Who wore it best: Julia, Heaven, or Yen?” Kalakip nito ay larawan ng tatlong aktres na nakasuot ng itim na sando.
Agad namang binigyan ng ibang kahulugan ng mga netizens ang malaman na post na ito.
May mga nagsabi na iisa lang daw ang naging move ng tatlong aktres tungkol sa pakikipagrelasyon.
Matatandaan na si Julia ay naging kontrobersyal dahil nasangkot siya noon sa hiwalayan ng nobyo niya ngayon na si Gerald Anderson at Bea Alonzo.
Si Heaven naman ang itinuro ding dahilan ng hiwalayan naman nina Devon Seron at kasintahan niya ngayong si Kiko Estrada.
Parehong mariin na itinanggi noon nina Julia at Heaven na naging third party sila sa mga nasabing hiwalayan.
Ngunit hindi naglaon ay lumabas din sa publiko ang tunay na mga relasyon nila sa mga current boyfiend nila.
Samantala, si Yen naman ngayon ang sinasabing third party sa hiwalayan ng celebrity couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis.
Ito ay dahil sa mga litrato at video nila ni Paolo na magkasama at naglalambingan na kumakalat ngayon online.
Kaya naman samu’t-saring komento mula sa netizens ang bumaha sa comment section ng nasabing post ng The Scoop.
Narito ang ilan:
“Yen Santos kasi merong nasirang pamilya at may batang nawalan ng tatay”
“Itabi niyo, si Yen na bahala”
“Naipasa na kay Yen Santos ang korona nina Heaven at Julia”
“Uyy mga ahas nagkalat kulay itim pa”
Ikaw sa tingin mo sino nga ba sa tatlong aktres ang angat sa itim na sando?
Julia Barretto, pinapurihan ng mga netizens dahil sa pagiging productive sa kanyang “normal day”
Ipinasilip ni Julia Barretto ang pagiging productive ng kanyang araw tuwing siya ay may free time.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Julia na ipapasilip niya sa publiko ang kanyang “Life Lately” series.
Kung saan makikita ang kanyang everyday routine, at pati na din ang mga pinagkaka-abalahan niya ngayon.
Saad ni Julia sa caption ng kanyang IG post, “My #LifeLately series on YouTube begins tonight…
Link in bio. Enjoy”
Kalakip nito ay ang litrato niya habang nakaupo sa couch habang nagse-cellphone.
Sa kasunod naman niyang post ay ibinahagi ni Julia na paglilinis ng kanyang bahay ang gagawin niya sa araw na iyon.
“More cleaning and house chores today,” saad ng aktres sa kanyang caption.
Samantala, sa kanyang 7 minutes video ay makikitang naglinis ng bahay, naghanda ng pagkain, at nagbayad ng kanyang mga bills si Julia.
“I’m really looking into cleaning the house today, organizing some stuff, and most importantly, pay some bills,” pagbabahagi pa ng nobya ni Gerald Anderson.
Makikita din sa kanyang video ang kagandahan ng buong bahay na pagmamay-ari ng aktres.
Umani naman agad ng papuri ang kasipagang ito ni Julia, may ilan pa ngang nagsabi na hindi hinayaan ng aktres na masayang ang isang araw niya.
Naging very productive nga ito.
Narito ang ilan sa komento ng netizens:
“I admire INDEPENDENT and STRONG people like Julia.”
“I enjoy so much viewing your posts because you are just simply being Julia…strong, tenacious and independent. Be simply just you. JULIA.”
“pretty , humble and very organized . we love you Julia”
Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang vlog:
The post “Who wore it best” nina Julia Barretto, Heaven Peralejo at Yen Santos, pinutakte ng mga komento ngayon appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments