Usap-usapan ngayon sa social media ng mga netizen ang side by side photo ni Bea Alonzo at Zeny Tamayo noong ito ay bata pa na Lola ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque.
Nito lamang Setyembre 1, 2021, isa sa mga supporters ng mag boyfriend/girlfriend na Dominic at Bea ang nag upload sa Instagram ng mga litrato ng aktres kung saan kasama ang litrato ni Nanay Zeny noong kabataan na Lola ni Dominic.
Ang naturang larawan ay may caption na “Tisay X Tisay, Napakagagandang Dilag!”.
Hindi maipagkakakila sa mga litrato ng dalawa ang pagiging mestiza ng mga ito. Pati sa hugis ng kanilang mga mukha, labi at ilong ay halos magkapareho.
Kaya naman komento ng kanilang mga tagahanga na baka raw “destiny” na pagtagpuin ang mag couple.
Ayon pa sa mga tagahanga ng dalawa, Pinatunayan raw ni Dominic ang kasabihan ng matanda na madalas raw naiinlove ang mga lalaki sa mga babae na kahawig ng kanilang Nanay o Lola.
Naaliw naman ang maraming netizen, Kaya hindi napigilan ng ilan na magkomento sa larawan ni Bea at ni Nana Zeny.
“Ganon daw kapag may kamukha yung gf/bf mo na kamag anak/ka pamilya mo. Kayo daw ang magkakatuluyan”
“Congrats bea you finally found your soulmate. ”
“Ang ending aning salidaa igsoon diays Bea ug Dom. Nabuwag pagkabata.”
“Twist malayong kamag anak ni Dominic si Bea chourrr.”
Si Grandma Zeny ay nanay ni Beth Tamayo.
Para naman sa kaalaman ng marami, si Nanay Zeny ay nanay ng aktres na si Beth Tamayo na ngayon ay naka base na sa Amerika.
0 Comments