Looking For Anything Specific?

Mag-asawang magsasaka na nanalo sa lott0, ninåkawan ng mga kamag-anak at binentahan ng pekeng titulo, viral!

Madaming tao pa din ang umaasa sa swerte nab aka sakaling dumapo sa kanila. Hindi naman natin sila masisisi kung tanging ito ang nakakapag bigay sa kanila ng panibagong pag-asa.

Isa sa swerteng inaasahan ay ang pagsusugal, weteng o kaya may ay ang pinaka malakas na lotto.

Narito ang mag asawang Ernie at Vergie. Ayon sa kanila, sila ay parehong nanggaling sa mahirap na pamilya. Dahil sa kahirapang iyon ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataon para makapag-aral.

Sa kabila ng lahat ng ito, naroon pa din ang ngiti at kaligayahan nilang dalawa pagkat sila ay binibiyayaan ng mga supling na nagsisilbing kanilang lakas at dahilan sa paglaban sa kanilang buhay

Pagsasaka ang ikinabubuhay nilang buong pamilya. Dahil sa kagustuhang mairaos ang mga anak at hindi matulad sa kanilang kinakaharap, ginagawa nila ang lahat upang maitaguyod at matustusan ang mga pangangailangan ng mga ito.

Kasama na doon ang pag tataya sa lotto araw araw. Nagbabakasakali na sila ay mananalo at mag bago ang ikot at takbo ng kanilang buhay.

Wala silang espesipikong numerong inaalagaan. Ngunit isang gabi nang managinip si Vergie ng kombinasyon ng mga numero na maaari nilang itaya sa lotto

Sa bawat pag taya sa lotto, sinasama ni Ernie ang kanilang kamag anak sa kadahilanang hindi nga ito marunong magsulat.

Kaya naman nang utusan ni Vergie ang kaniyang asawa na mamili agad ng ticket ay agad naman itong sinamahan ng kanilang kamag anak.

Nanalo ang mga numerong napanaginipan ni Vergie. Dito ay nabuhayan sila nang loob at nagkaroon muli ng pag asang ito na ang simula ng pag babago ng kanilang buhay.

Ngunit sa kasamaang palad, sa hindi inaasahang pag kakataon, P900,000 lamang ang kanilang natanggap pagkat inilagay ang perang napanalunan sa bank account ni Angel dahil siya ang nakapirma sa ticket.

Pagkatapos nito ay hindi na muling nakatanggap ng balita tungkol sa kanilang kamag anak. Isa pa sa panlolokong ginawa sa mag asawa ay binentahan sila ng pekeng titulo kaya agad naglaho ang kanilang pera.

Dahil sa masalimuot na pangyayari, ang mag asawa ay bumalik na lamang sa Bicol sa tulong ng kanilang tiyahin. Nabalitaan din nila na ang taong nanloko sa kanila ay nagkaroon ng malubhang sakit.

Post a Comment

0 Comments