Ang mga Pinoy ay likas na mahilig sa kanin. Yung tipong kapag wala ang kanin sa kanilang agahan, tanghalian o hapunan pa yan, eh para bang sila pa din ay gutom na gutom.
Hindi katulad sa ibang bansa na noodles, pasta, o tinapay ang mga pangunahing kinakain.
Dahil na nga sa paglipas ng mga panahon, madami nang naiimbentong mas nakapagpapadali ng mga trabaho maging ng mga gawaing bahay.
Kagaya na lamang ng rice cooker. Dahil dito, mas napapadali ang pagluluto ng kanin tanging gagawin mo na lang ay hintayin.
Ngunit ang netizen na ito ay may kakaibang karanasan sap ag gamit ng kanilang rice cooker. Ayon sa kaniya, sa tuwing magluluto o gagamit ng rice cooker upang mag saing, mayroong kakaibang amoy silang nalalanghap na tila may ipiniprito.
Palagi naman daw nila nililinis at hinuhugasan ang rice cooker pero hindi pa din naaalis ang amoy na pinirito. Mabuti na lamang at hindi naaapektuhan ang lasa ng kanilang kanin.
Naroon pa din ang pagtataka kung ano ang dahil sa kabila ng amoy pinirito na iyon. Ayon sa post ni BigD Reyes, sa kagustuhang malaman ang dahilan na iyon, minabuti nilang buksan ang kailalim ilaliman ng rice cooker.
Halong emosyon ang kanilang naramdaman. Talaga namang nagulat sila nang makita ang sandamakmak na butiki.
Makikita sa larawan na talaga namang naiprito nga ito. Pabirong banggit ni Reyes na kinain na lang daw nila ang mga butiking nasabi dahil solid naman daw.
Malaking tanong pa din ang naiwan sa kanila kung paano nagkaroon at nakapasok ang mga butiking iyon sa loob ng rice cooker.
0 Comments