Supportive friends ang magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto sa vlog ng kanilang kaibigan na si Dave Dalisay.
Sa nasabing vlog, napag-usapan ng tatlo ang tungkol sa love and relationships. Naitanong kasi ni Dave kina Julia at Gerald kung may maipapayo sila tungkol sa usaping ito.
Kaya naman nagbigay ng ilang tips ang magkasintahan, nagkasundo ang dalawa sa pareho nilang opinyon tungkol sa pakikipagrelasyon.
Anila, kung masaya ka sa karelasyon mo then you should stay. Kung nagbibigay ito ng dahilan, ng inspirasyon para magsipag ka sa anumang bagay then you should also stay.
Kung nakakapagtrabaho ka pa din ng maayos kahit may petty fights or hindi napagkasunduan, piliing manatili at makinig.
Dagdag pa nga ni Gerald, mararamdaman daw ng isang tao kung ang kanyang karelasyon ay ang tamang tao para sa kanya.
Hirit naman ni Dave, naniniwala siya sa mga sinasabi ni Gerald pagdating sa pag-ibig dahil napakarami na daw nitong experience sa love. Na nag-ugat ng tawanan nilang tatlo.
Samantala, nagpahayag din si Gerald ng kanyang saloobin sa pagiging judgmental ng ibang tao tungkol sa buhay ng mga celebrity.
Para kay Gerald, dapat ay may limitasyon ang panghihimasok ng iba pagdating sa personal na buhay ng public figures.
Tanging basehan lang naman daw ng netizens ay ang social media kahit hindi alam ng mga ito ang tunay na pinagdadaanan ng mga artista.
Pagsang-ayon ni Julia, “Social media is different from real life. So, be you.”
Katwiran ni Gerald, “Masaya ka sa buhay, malungkot sa buhay mo, human nature nating mang-judge.”
Hindi raw tinatanggal ni Gerald ang karapatan ng netizens na maglabas ng opinyon, pero dapat daw ay may limitasyon ang panghihimasok nila sa buhay ng public figures.
Julia Barretto, speechless nang tanungin kung paano niya maire-relate sa totoong buhay ang linya niyang “hindi lahat ng bagay na totoo ay kailangang aminin.”
Speechless si Julia B!
Maagang usapan na naman ang pangalan ni Julia Barretto ngayon dahil sa kanyang naging interview.
Sa naging Media Conference ng Di Na Muli kasama si MJ Marfori, may isang tanong sa kanila ang tila hindi nasagot ng aktres.
Tinanong kasi sila kung paano nila marerelate sa totoong buhay ang linyang, “Hindi lahat ng bagay na totoo ay kailangang aminin.”
Napa isip si Julia kung ano ang isasagot niya dito at pabiro niya pang sinabi, “Hmm… nag iisip ako ng way na sagutin ‘to na bukas hindi siya ‘yung headline e…”
Pero paikling sabi ng 23-year-old actress, “Paano ako makaka-relate sa… I think… It’s the same siya sa ‘what you don’t know won’t hurt.’ Uhmm… Siguro lahat ng bagay kelangan alam mo na lang siguro para hindi na rin masakit. ‘Yun lang ‘yon!” sabay pasa ng tanong kay Marco Gumabao.
Hindi naman ito nakaligtas sa mga mabusising netizens. Para sa kanila, hindi deretchahang nasagot ni Julia ang tanong.
Nirelate naman ng iba ito sa totoong love life ni Julia na hanggang ngayon, sinasabing naging dahilan ng hiwalayan ni Gerald Anderson at Bea Alonzo.
Parehas itinanggi ng dalawa na may kinalaman ang aktres sa naging controversial break up ni Bea at Gerald.
Hindi nga ba lahat ng totoo ay kailangang aminin, Julia?
The post Magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto, nagbigay ng relastionship tips sa kanilang kaibigan appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments