Nagluluksa ngayon ang buong industriya ng showbiz dahil sa pagp4naw ng komedyanteng si Mahal o Noemi Tesorero sa totoong buhay. August 31 nang kinumpirma ng pamilya ni Mahal ang kaniyang pagp4naw sanhi ng Gastr0 illn3ss at C0VID.
Maraming netizens ang nabigla at nalungkot sa biglaang paglisan ni Mahal dahil halos isang linggo pa lamang ang nakakalipas nang mag-upload pa ito ng video sa YouTube channel nila ng kaibigang si Mygz Molino kung saan binisita nila ang kaibigang si Mura sa Guinobatan, Albay.
Makikita sa nasabing video ang masayang reunion ng dalawa na dalawang taon nang hindi nagkikita.
Binigyan din niya ng tulong pinansyal at grocery items si Mura.
Ani Mahal,
““Yan ang tulong ko sa ‘yo. At least, ngayon lang ako nakabawi… para hindi ka maubusan, meron ka nang pagkain at hindi ka na masyadong lalabas. At least nakapunta rin ako dito kasi ngayon lang ako nakapunta ng bundok.”
Dagdag pa niya,
“Hanggang sa tumanda ako, at uugod-ugod, siyempre pupunta pa rin ako dito. Kapag halimbawa nawala ako sa mundo, mayro’n pang konting tulong ako sa ‘yo.”
Marami naman ang kinilabutan nang muling mapanood ang vlog na ito nina Mahal.
Ayon sa mga netizens, isang cryptic message ang sinabi ni Mahal tungkol sa pagk4wala sa mundo. May mga netizens na nagsasabi na tila nagsilbi itong last mission ni Mahal na mabisita ang kaniyang kaibigan na si Mura bago siya pum4naw.
Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:
“when I was watching this I was like ‘nnnah how is this so cryptic’. her last mission maybe was really to meet mura. RIP Mahal”
“Last mission ni Mahal is to help her bestfreidn Mura, and mission accomplished! Maybe ito lang talaga hinihintay ni Mahal yung makita for the last time ang long lost partner nya before sya mawala. #RIP Mahal”
“rest in paradise mahal.. grabe ilang linggo lang nung nagkita kayo.. di talaga natin alam tadhana natin at kng hanggang kailan tayo sa mundo. salamat Mahal sa pagpapasaya at sa alaala..”
Mygz Molino, hindi iniwan si Mahal hanggang sa mga huling sandali nito
Pinatunayan ni Mygz Molino na lagi siyang nakaagapay kay Mahal kahit pa sa huling sandali nito.
Sa pamamaalam ni Mahal ay marami nga ang nalungkot. Ikinabigla ng showbiz industry ang kanyang biglaang pamamaalam.
Sa gitna ng pagluluksa ng industriya, ipinakita ni Mygz ang pagpapahalaga niya sa kanyang partner.
Ilang mga malalambing na videos at litrato nga nila ngayon na magkasama ang binalikan ng mga netizens.
Katulad na lamang noong binati ni Mygz si Mahal sa kaarawan nito noong nakaraang taon. Kalakip ng kanilang mga sweet photos isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ng Indie actor.
Hindi maikakaila ang closeness ni Mgyz Molino at ni Mahal.
Taong 2014 ang unang public photo niya kasama si Mahal ngunit nakatrabaho niya noong 2012 ang komediyante para sa pelikulang ‘Id’Nal.’
Lumipas ang mga taon at lalo lang naging malapit ang dalawa sa isa’t isa. Ang ilan pa sa kanilang videos, mapapansin ang kanilang kulitan at lambingan.
Mukhang brusko at malakas man, malambing at maalaga talaga si Mygz Molino. At hindi niya hinahayaan na maging malungkot si Mahal habang nasa piling niya ito.
Pagdating naman sa pagmahahal, may nagtatanong kung ano nga ba ang tunay na relasyon nila ni Mygz.
Ayon sa isang panayam kay Mahal ay sinabi niyang magkaibigan lamang sila ng binata.
Ngunit kahit magkaibigan lang sila ay buong pusong inaalagaan at minahal ng aktor ang komedyana.
Naibahagi pa nga noon ni Ai Ai na nakasama nila sa isang serye sa Kapuso network na hulog ng langit si Mygz kay Mahal.
Naniniwala si Ai-Ai na taos-puso at unconditional love ang ipinadadama ni Mygz sa komedyante.
The post Mahal Nagparamdam Kay Mura At Mygz Molino Bago Pumanaw appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments