Marahil marami sa atin ang nangangarap na makapunta sa ibang bansa partikular na sa bansang Amerika, ang Amerika kasi ang masasabi natin na pinakamaunlad na bansa sa buong mundo sa kasalukuyan ngayon kaya naman marami sa atin ang nagbabakasakali at umaasa na makapunta dito para makapagtrabaho at magkaroon ng magandang oportunidad.
Subalit sa kasamaang palad dahil sa kahirapan ay bihira ang mga Pinoy na pinalad na makapunta o makatuntong sa bansang ito dahil sa mahal ng pamasahe sa eroplano at pahirapan din ang pagkuha ng mga kinakailangang papeles para sa bansang ito.
Samantala, sino ang mag-aakala na ang isang anak ng magsasaka mula sa probinsya ng Capiz ang ma-swerteng pinalad at nabigyan ng scholarship sa bansang Amerika at makapag-aral sa sikat na Unibersidad dito.
Siya si Aldrean Paul Elvira Alogon mula sa Sigma, Capiz siya ay lumaki sa bukid na sinasaka ng kanilang pamilya. Mapalad siya na mabigyan at mapagkalooban ng scholarship sa bansang Amerika.
Dahil sa kasipagan sa pag-aaral, nakapagtapos si Aldrean ng elementarya na may award bilang valedictorian.
Hindi naging hadlang ang hirap ng buhay kay Aldrean ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Philippine Science High School Western Visayas Campus Iloilo City.
Mahilig magbasa ng encyclopedia at mga librong tungkol sa science si Aldrean kung kaya naman nahasa ang kanyang talino at nagamit niya sa kanyang pag aaral.
Noong si Aldrean ay highschool siya ang naging pambato ng naturang school sa maraming patimpalak at sa iba’t-ibang lugar.
Dahil sa kanyang pangarap na makaahon sa kahirapan upang matulungan ang pamilya, sinubukan ni Aldrean na mag-apply sa Freeman Asian Scholarship sa isang sikat na Unibersidad sa Amerika na kung tawagin ay Wesleyan University at swerte naman itong natanggap.
“I grew up on a farm, Kung makita ko ang akon mga kaingud balay, kag akon family, na indi man gid ka as rich and as high social status, nasubuan gid ako. Gusto ko na ma-experience man nila ang life na sang, at least, middle-class na Filipino.” ayon kay Aldrean
Si Aldrean ay nakatanggap ng scholarship na nagkakahalaga ng 300,000 dollars o mahigit 15.7 million pesos.
Bunga ng taglay na kasipagan at pagpupursigi sa buhay si Aldrean ay nag-uumpisa ng tahakin ang kanyang tagumpay sa buhay. Sana ay maging inspirasyon ito sa lahat ng kabataan na katulad niya nag susumikap sa pag-aaral.
Source: Facebook
0 Comments