Looking For Anything Specific?

Matapat na basurero, ibinalik ang halos kalahating milyon na perang napulot kahit pa may karåmdamån ang kaniyang anak na sånggol

Sino nga naman ba ang hindi makakatanggi sa grasya? Iba na nga naman ang usapan kapag dating sa pera.

Ito ay hindi basta- basta lalo na sa hirap ng buhay at nagtataasang presyo ng mga bilihin ngayon. Paano na lamang kung mayroong limpak- limpak na pera sa iyong harapan?

Isang kahanga hangang basurero ang pinarangalan dahil sa kaniyang katapatan. Sa kabila ng maliit na pasahod, nagawa niya pa ding piliin ang mabuting gawain at hindi nagpasilaw sa pera.

Siya ay nakilala bilang si Emmanuel Romano mula Baliwag, Bulacan. Ang kaniyang sinusweldo ay sapat o kulang pa nga sa pangangailangan ng kaniyang pamilya. Bukod pa doon, hindi siya permanente sa kaniyang trabaho.

Sa kaniyang pangongolekta ng basua, labis siyang nagulat sa limpak limpak na pera na nakapaloob sa isang plastic. Tinatayang nasa kalahating milyon ang halaga nito.

Saad niya, “Kinabahan po ako, nakita ko po yung pera, tinabi ko po muna sa gilid. Di ko po muna pinakita sa mga kasamahan ko.”

Noong mga panahon na iyon, dalawa lamang ang kaniyang pagpipilian. Ito ay kung kaniya itong itatago o ibibigay sa barangay.

Sa katunayan, gipit na si Emmanuel dahil may karamdaman din ang kaniyang anak na sanggol at madami ang kailangang ipagawa sa kanilang bahay.

Ngunit nangibabaw sa kaniya ang kabutihang loob at nagtungo siya sa barangay. Nagkataon din na mayroon nang nagreport noon patungkol sa nawawalang pera.

Lubos lubos ang pasasalamat ng may- ari kay Emmanuel. Kwento nito, sila ay napagsaraduhan na ng bangko kaya’t inilagay nila muna pansamantala ang pera sa isang plastic.

Inakala ng kaniyang mister na ito ay basura kaya’t aksidente itong natapon sa basurahan.

Dahil sa labis na pagkagalak ng may-ari ay binigyan niya si Emmanuel ng tulong pinansyal. Bukod pa doon, siya ay pinarangalan sa kanilang local na pamahalaan at ginawa nang permanenteng empleyado.

Kapalit din ng kaniyang kabutihang loob ay napatingin na sa døctør ang kaniyang anak na sanggøl at pinangakuan din ng iba’t iba pang tulong.

Post a Comment

0 Comments