Looking For Anything Specific?

Naging inspirasyon ang pagsisikap ng isang pamilya, na ang dating bahay na barung-barong ay isa ng napakaganda at napakalaking bahay ngayon

Ibinahagi ng netizen na si Mary Anne Navarro, ang pag-abot ng pangarap ng kanilang pamilya. Isinalaysay niya ang naging kwento ng daan sa kanilang tagumpay upang maging inspirasyon sa mga taong may pangarap sa buhay at hindi mawalang ng pag-asa.

 Source: Mary Anne Navarro/ Facebook

Ibinahagi ni Mary Anne, na nagsimula siyang mangarap ng ang kanilang tahanan ay isa lamang barong-barong. Nakatira sila sa isang munting tahanan noon, dahil sa nasasalanta ng bagyo at natatanggalan ng bubong. Lagi itong nagdarasal sa itaas na tulungan silang maka-ahon sa kahirapan.

Source: Mary Anne Navarro/ Facebook

Hindi raw sapat ang kinikita ng kanyang ina. Isa lamang daw itong physical therapist na nagtitiyaga na umuwi ng madaling araw upang magkaroon ng pera at upang may pangtustos ng kanilang mga pang araw-araw. Lubos na nagsumikap ang pamilya ni Mary Anne, upang makaraos ang kanilang pamumuhay. Nagsimula lang sila sa maliit na pamumuhunan hanggang sa napalago nila ito.

 Source: Mary Anne Navarro/ Facebook

Sa simula ng kanilang pamumuhunan ay hindi naman ito naging maganda ang agos, sapagkat marami pa rin naman silang naranasang mga pagsubok na kanilang kinaharap. Ang pamilya nila ay ginawa itong inspirasyon, upang ipagpatuloy ang kanilang nasimulan. Dahil sa pagtiyatiyaga, nakaipon na sila para sa kanilang pinangarap na bahay.

Ibinahagi ni Mary ann ang larawan na mula sa pagiging barong-baro na bahay ngayon ay isa ng napaka-gandang bahay. Para kay Mary Anne at pamilya nito, hindi dapat sumuko kung mayroon pangarap na gustong abutin. Sa tulong ng pagsusumikap at tiwala sa Diyos tiyak na maabot ang anumang pinapangarap.

Mga Anak Ng Isang Tricycle Driver at Mananahi, Pinatayuan Ng Mansyon Ang Kanilang Magulang

Ang mga magulang ay nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak, kahit anong hanapbuhay ay kanilang pinapasok upang matugunan lang ang bawat pangangailangan ng kanilang mga anak. Hindi na alintana sa kanila ang pagod at hirap, dahil ang tanging mahalaga sa kanila ay ang maitaguyod ang kinabukasan ng kanilang mga anak at makita itong maging matagumpay sa buhay.

At bilang anak, mas masarap sa pakiramdam na nakamit mo ang tagumpay dahil sa pagsusumikap. Lahat ng tao ay may kwento ng tagumpay sa buhay mula sa hirap patungo sa nakamit na magandang kinabukasan. Sa Facebook Page ng Peso Sense, kanilang ibinahagi ang kwentong tagumpay ng apat na makakapatid na anak ng isang tricycle driver at isang mananahi.

Ayon sa kanilang post, ang apat na magkakapatid na ito ay naging working student habang sila ay nag-aaral sa kolehiyo. Dahil hindi sapat ang kinikita ng kanilang mga magulang sa pamamasada at pananahi, kaya naisipan ng magkakapatid na ito ang magtrabaho habang nag-aaral. Para makatulong na rin sa kanilang gastusin sa araw-araw. Kaya nagsumikap silang makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo at sinikap din nilang makapasa sa board exam. At sa awa ng Diyos ang apat na magkakapatid na ito ay naka isang take lang ng kanilang board exam.

Ngayon ang magkakapatid na ito ay may magaganda ng trabaho, ang panganay na anak ay isa ring Electrical Engineer, ang ikalawa naman ay isang Civil Engineer, ang ikatlo naman ay isang Math Teacher at ang kanilang bunso ay isang Mechanical Engineer. Ayon sa panganay ng magkakapatid, binabalikan nila ang kanilang buhay noon kung paano sila natutulog sa sala ng kanilang bahay kung saan sila ay nagsiksikan pa. Pero ngayon, may kaniya-kaniya na silang mga magagandang kwarto dahil pinagawan nila ng napakalaking bahay ang kanilang mga magulang bilang kanilang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo at para lang maitaguyod sila sa araw-araw ng kanilang mga magulang.

Ang kanilang natamong tagumpay sa buhay ay isang patunay na walang imposible sa pag-abot sa mga pangarap. Sa tulong na rin ng Diyos, sila ay nagabayan na huwag sumuko sa pagkamit ng kanilang tagumpay sa kabila ng mga paghihirap na kanilang naranasan sa buhay.

Maraming mga netiznes ang na inspire at sumaludo sa naging sipag at tiyaga ng kanilang mga magulang na sa kakarampot nilang kita ay napagtapos nila ang kanilang mga anak. Sa pagbabago ng panahon, anak naman ang magbabalik ng kanilang pagmamahal para sa bawat sakripisyo ng kanilang mga magulang. Ito ay bilang pasasalamat natin sa lahat ng hirap na ginawa ng ating mga magulang para sa atin.

The post Naging inspirasyon ang pagsisikap ng isang pamilya, na ang dating bahay na barung-barong ay isa ng napakaganda at napakalaking bahay ngayon appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments