Looking For Anything Specific?

Mygz Molino bumuhos ang luha sa kanyang latest vlog kung saan ibinahagi niya ang nangyari kay Mahal bago ito mamaalam

Ilang linggo ang nakalipas, nag-update na si Mygz Molino ng vlog sa kanyang YouTube channel.

Isa sa Mygz sa sobrang naapektuhan sa biglaang pagkawala ni Mahal. O Noemi Tesorero sa totong buhay.

Kaya naman halos tatlong linggo din siyang hindi nakapag update ng mga video sa kanyang YouTube channel.

Kinailangan din kasi sumailalim sa quarantine ni Mygz pati na din ang kanyang pamilya matapos dahil C0’VID ang naging dahilan ng pagkawala ni Mahal.

Ngunit kahapon, September 18, ay nag-upload na ng panibagong vlog si Mygz. Kung saan ikinwento niya ang lagay ni Mahal bago ito mamaalam.

Aniya, “Ang bigat. Ang bigat sa puso ‘yung mga nangyari nung mga nakaraang araw. Hindi ko kinaya ‘yung mga biglaang pangyayari na kahit ako, hindi ko rin inexpect na gano’n ‘yung mangyayari.”

Habang emosyonal, nagbigay din si Mygz ng kanyang mensahe para sa kanyang matalik na kaibigan na si Mahal.

“Basta masasabi ko lang sa’yo Mahal, alam ko na masaya ka na ngayon kasama mo si papa dahil sabi mo nga, hintayin ka ni papa. Pero ngayon sumama ka naman sa kanya.”

“Wala na akong masabi sa ‘yo kasi alam ko masaya ka na diyan sa inyo kasama papa mo. Gusto ko lang magpasalamat sa iyo, sa binigay mo na kasiyahan sa mga panahong kasama kita.”

“Ang dami mong ala-ala na iniwan sa amin, sa akin. Pero kakayanin natin ‘to. Salamat.” 

Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang video ni Mygz.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Ilang ulit ko ng pinapanuod . D ako maka get over . Panay iyak ko.. Stay strong Mygz.. kaya mo yan”

“I hate seeing you crying… And it’s really break my heart… Nakakapanlumo… Yong ngiti sa ‘yong mga mata nawala sa isang iglap”

Mygz Molino at kanyang pamilya, personal na dinalaw ang puntod ni Mahal

Sa wakas, nakapunta na sa puntod ni Mahal Tesorero si Mygz Molino kasama ang kanyang pamilya.

Kinailangan kasi sumailalim sa quarantine ni Mygz pati na din ang kanyang pamilya matapos sumakabilang buhay ni Mahal dahil sa C0VID-19.

Si Mahal ay tuluyang namaalam noong August 31, 2021 na ikinabigla ng lahat.

Si Mygz ay ang naging kasa-kasama ni Mahal sa kanyang mga huling araw. Dumalaw pa sila sa dating on screen partner ni Mahal na si Mura.

Kutang kita ng netizens kung paano alagaan at suportahan ng vlogger si Mahal kaya ganoon na lamang ang pag aalala nila para kay Mygz nang mawala ang yumaong aktres.

At sa wakas, nakapunta na si Mygz kasama na ang kanyang buong pamilya sa puntod ni Mahal. Nagbahagi siya ng ilang larawan sa kanyang Instagram account.

Dahil dito, naisayahan naman ang netizens dahil nakita na nilang nakadalaw na si Mygz sa mga labi ni Mahal.

Marami ang naka appreciate at natuwa kay Mygz dahil nakita ng mga netizens kung paano niya inalagaan si Mahal noon.

Sa ngayon, wala pa masyadong update maging sa YouTube channel ni Mygz. Marahil ay nag aadjust pa din ito sa pagkawala ng kanyang pinaka iingatang katandem.

The post Mygz Molino bumuhos ang luha sa kanyang latest vlog kung saan ibinahagi niya ang nangyari kay Mahal bago ito mamaalam appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments