Looking For Anything Specific?

Ninang, Inihayag Ang Pagkadismaya Sa Ina Ng Kaniyang Inaanak Na Pinipilit Siyang Bigyan Ito Ng P5,000

Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang post ni Crystalyn Joy Yntela, isang ninang na naghayag ng pagkadismaya sa nanay ng kaniyang inaanak na nagalit pa sa kaniya dahil sa hindi niya naibigay ang P5,000 sa kaniyang inaanak.

Sa Facebook post ni Crystalyn, ibinahagi niya ang screenshot ng conversation nila ng ina ng kaniyang inaanak. Base sa kanilang naging usapan, makikita na hinihingi ng ina ng kaniyang inaanak ang P5,000 na pangako umano ni Crystalyn na ibibigay dito. Sinabihan pa siya nito na puro pasarap lamang ito sa buhay at hindi na inalala ang kaniyang inaanak.

Nang sabihin ni Crystalyn na gipit siya ngayon dahil wala pang sweldo sa kaniyang trabaho, sinabi sa kaniya ng ina ng kaniyang inaanak na wala na siyang pakeelam sa problema nito o sa ibang bagay dahil ang mahalaga ay ibigay ni Crystalyn ang P5,000 na pangako nito sa kaniyang inaaanak.

 

Sambit ni Crystalyn dito,

“Pasenasa na gipit din kasi ako ngayon wala akong sweldo.”

Tugon naman ng ina ng kaniyang inaanak,

“wala na akong pake ron. basta yung pinangako mong limang libo sa inaanak mo. kelangan mo na ibigay ngayon. papakulay ka buhok pero wala kang maibigay sa inanak mo? jusko naman”

Narito ang kabuuang post ni Crystalyn:

“Sana sa susunod wag kayo mag aanak kung iaasa nyo lang din sa mga ninang at ninong yung ipanggagastos sa anak nyo. Ayaw ko sana ipost kaso ikaw pa may lakas ng loob na mamblock sakin. Hehe.

Hanap muna sugar daddy si ninang para may pangsuporta sayo. ”

Kaagad naman na nag-viral sa social media ang nasabing post ni Crystalyn at umani ng iba’t ibang komento at reaksyon mula sa mga netizens.

Habang sinusulat ang artikulong ito ay umabot na ang nasabing post sa mahigit na 11,000 reactions, 3000 comments, at 9,000 shares ang nasabing post ni Crystalyn.

Ginang iniwan ang kaniyang maliliit na 5 anak, at sumama sa kalaguyong lalake

Viral sa social media ang isang ina na iniwan ang kaniyang malilit pang 5 mga anak sa piling ng kaniyang asawa, at usap-usapan umano sa kanilang lugar na ang dahilan kung bakit nito iniwan ang kaniyang maliliit pang mga anak ay dahil umano sumama raw ito sa kalaguyong lalake.

Saad ng netizen na si Lesny Joy Monares “Kung sino man daw po nakakita sa babaeng ito paki update lang po ang karyapay, Bulacan yung babae po lumayas  at may 5 anak iniwan, kawawa naman po me asawa po yungbabae at yung asawa po niyan pinsan ng workfriend ko”


Samantala nanawagan ang mga bata sa kanilang nanay na bumalik na dahil namimiss naraw nila ang kanilang nanay dahil sa pag-sama nito sa ibang lalake ng kanilang nanay. maging ang asawa ng babae ay hindi rin makapaniwala sa ginawa nito sa kanila. maayos naman umano ang kanilang pagsasama bagaman kapos sa buhay ay hindi naman niya pinapabayaan ang kaniyang mag-iina ngunit hindi nito matanggap na sasama pa ito sa ibang lalake at sa tingin pa nito’y ay kakilala lamang niya ang lalakeng sinamahan nito.

The post Ninang, Inihayag Ang Pagkadismaya Sa Ina Ng Kaniyang Inaanak Na Pinipilit Siyang Bigyan Ito Ng P5,000 appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments