Looking For Anything Specific?

Beth Tamayo, First Time Maging Ina Dahil Isinilang Na Ang Kaniyang Unang Anak

Isinilang na ng 43-year-old actress na si Beth Tamayo ang kaniyang panganay na anak na si Slone Isabelle nito lamang Agosto 29, 2021.

Ayon kay Beth, Setyembre umano siya dapat nakatakdang manganak ngunit napaaga ito ng tatlong linggo.

Ngayon ay nakabase na si Beth sa Los Angeles, California kasama ang kaniyang American husband na si Adam Hutchinson. Sila ay nagpakasal noong Marso 3, 2021.

Saad ni Beth sa caption ng kaniyang IG post,

“Getting married during the pandemic was quite an experience. Ceremony is now online; very limited people to invite (even if it’s already remote) and all of this is happening at the comfort of our own home. We even used a toolbox as our laptop stand! So cl𝔞ssy!”

“When it is SAFE, we will definitely celebrate with our family and friends and have the best time ever!”

Sa latest Instagram post ni Beth, ibinahagi naman niya ang larawan ng kanilang unica hija na si Sloane Isabelle Tamayo Hutchinson na dalawang linggo pa lamang sumula ng kaniyang isilang.

“I know we’re late but here she is! Sloane Isabelle Tamayo Hutchinson! Born Sunday Aug 29th and 3 weeks early!”

“Yep, she just can’t wait!  Wanted to say Th𝔞nk you to our family and friends who have been checking on us daily and pr𝔞aing for/with us. We are so l𝔲cky to have you in our lives!”

 

Samantala, bumuhos naman ang pagbati mula sa mga netizens at mga kapwa celebrities ng first time mom. Kabilang na dito sina Ina Raymundo, Ryan Agoncillo, Sharon Cuneta, Giselle Sanchez, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Bayani Agbayani, Judy Ann Santos, at Ara Mina.

Samantala, bumisita naman si Dominic Roque sa Amerika kasama ang kaniyang girlfriend na si Bea Alonzo upang makadalo sa baby shower ni Beth noong Hulyo.

Ani Beth,

“I told Dominic that he will get a lof of, alam mo yun, because Bea is the bigger star, diba? Sabi ko sa kanya, ‘baka later on, you’ll get backlash from people saying that nakikisawsaw sa kasikatan ni Bea or whatever. L𝔦ke you don’t have your own ident𝔦ty, or kind of just like riding sa career niya, something l𝔦ke that.”

Dagdag pa ni Beth,

“Sabi ko sa kanya, you might get, like, some feedback from other people na hindi maganda, dedmahin mo na lang, because you know naman what you’re doing and also kung saan kayo masaya.”

 

“Kasi hindi mo maiiwasan e, meron at merong magsasalita ng hindi maganda about them or him. Yung mga hindi pabor sa relationship.”

Taong 2009 nang napagdesisyunan ni Beth na lisanin ang showbiz limelight at mamuhay na lamang ng simple sa Amerika kung saan niya nakilala ang kaniyang asawa. Noong nakaraang taon ay nabuntis si Beth sa pamamagitan ng vitro fertilization o IVF. Ayon kay Beth, hindi naging madali sa kanila, lalo na sa kaniya ang naging proseso nito, gayunpaman ay nagpapasalamat pa din sila dahil siya ay biniyayaan ng isang cute at charming baby girl.

TINGNAN: Ang napaka-cute at nakakagiliw na reaksyon ng mukha ni Baby Vittorio Isaac, anak nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa-Sotto

Marami sa ating mga Pilipino ang talagang nagigiliw sa mga bata lalo pa’t ang mga nakakaaliw na mga reaksyon ng mukha ng isang bata ay nakakapawi ng pagod. Katulad na lamang ni Baby Vittorio Isaac ang baby no.5 ni Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa-Sotto.

Kamakailan nga lamang ay isinilang na ng aktres na si Kristine Hermosa-Sotto ang kanilang bunsong anak ni Oyo Boy Sotto na si Baby Vittorio Isaac.

Sa mga larawang ibinahagi ng aktres sa kanyang social media nang siya ay nanganak tila “looking-young” at “blooming” pa rin ang aktres. Umani ng mga positibong komento at papuri mula sa mga netizens ang larawan na ito ng aktres, dahil hindi naman lahat ng mga babaeng nanganganak ay kasing ganda at kasing “fresh” pa rin tulad niya.

Sina Oyo Boy at Kristine ay mayroon 4 na mga anak ito ay sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Marvic Valentin, at Kaleb Hanns. Hinahangaan at nagiging inpirasyon sila ng kanilang mga tagahanga dahil dalawa silang nagtulong-tulong sa pagpapalaki ng kanilang mga anak at higit sa lahat masaya at maayos ang kanilang pagsasama.

Nang ipinanganak ni Kristine ang kanilang ikalimang anak makikita sa mga larawan na ibinahagi ng mag-asawa kung gaano ka-cute ang kanilang bagong baby. At muling nagbahagi si Oyo Boy ng ilang mga larawan ni Baby Vittorio Isaac kung saan makikita ang iba’t ibang mga reaksyon ng mukha nito.

a unang larawan ay makikitang napakasarap at napakapayapa ng tulog ng kanilang anak, kung saan ang pagtulog nito ay tila bang walang makakaistorbo. Ngunit, sa mga sumunod na larawan ay kitang-kita naman ang sobrang pag-iyak nito. Kung gaano siya kapayapa natutulog siya namang ikinalakas ng kanyang pag-iyak.

Kaya naman ang mag-asawang Oyo Boy at Kristine ay naaliw sa naging reaksyon ng mukha ng kanilang anak. Mabuti na lamang at sanay na silang dalawa mag-alaga ng baby dahil sa ikalima na nila itong anak.

Samantala, parang gusto pa ng aktres ang magkaroon ng baby no. 6 kung ito naman ay loloobin ng Diyos dahi gusto din kasi ng kanyang anak na babae na si Ondrea na magkaroon ng babaeng kapatid. Sa kabila ng pandemya ngayon, proud at masaya pa rin silang ibahagi kung gaano na kalaki ang kanilang pamilya.

The post Beth Tamayo, First Time Maging Ina Dahil Isinilang Na Ang Kaniyang Unang Anak appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments