Tila nakilala na kung sino nga ba ang babaeng kasama ni Paolo Contis sa Manaoag.
Kahapon lamang ay naging usap-usapan ang litratong kumalat na may kasamang ibang babae si Paolo Contis.
Ito ay isang araw lamang makalipas ng iere ang interview ni LJ Reyes sa digital talk show ni Boy Abunda.
Sa nasabing litrato, tinukoy ng netizens na si Paolo ang lalaki dahil naka-side view ito habang nakikipagkuwentuhan sa babae.
Pareho silang nakaupo sa table sa isang cozy restaurant, na base sa tagged location ay matatagpuan sa “Manaoag.”
Nakasuot ng oversized shirt ang babae, at simpleng T-shirt din ang suot ng Kapuso actor.
May written text na “huyyyy #spotted” sa caption, at may kasama ring emojis na laughing with tears at monkey covering eyes.
Sabi sa caption sa isa pang litrato, “oyyyy sino to???? spill the tea sis? hahah jk.”
Hindi naman kita ang mukha ng babae sa litrato, kaya walang klarong impormasyon kung sino ito.
Pero ngayong araw lang ay may video na lumabas kung saan pareho din ang suot ni Paolo at ng babaeng kasama niya.
Natukoy tuloy ng mga netizens na ang aktres na si Yen Santos pala ang kasama ni Paolo sa Manaoag.
Matatandaan na naging magkatrabaho ang dalawa sa pelikulang “A Faraway Land” na ipinalabas sa Netflix kamakailan lang.
Kaya hinuha ng marami na dito nagsimula ang kanilang pagtitinginan. At tila naging malalim ang kanilang pagging malapit sa isa’t-isa.
Tanong tuloy ng mga netizens. Si Yen Santos nga ba ang dahilan ng hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis?
Paolo Contis, spotted ng isang netizens na may kasamang babae na sweet sa isat-isa
Isang araw lang ang lumipas matapos ang kumpirmasyon sa kanilang hiwalayan. Paolo Contis namataang may kasamang ibang babae.
Kahapon ay isang emosyonal na LJ Reyes ang humarap sa panayam ni Boy Abunda sa digital talk show nito.
Kung saan ay kinumpirma na niya na hiwalay na nga sila ng dating partner at ama ng kanyang anak na si Paolo Contis.
Ani LJ, “It was so difficult, it was so painful.”
Patuloy niya, “Kung hindi lang malakas ’yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”
Nang tanungin ang aktres kung sino ang humiwalay, sinabi ni LJ na, “Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin.”
Hindi malinaw kung ang ibig sabihin ni LJ kung ang tinutukoy niya ay kung tingin niya ay nanlamig sa kanya si Paolo.
Samantala, hindi agad nasagot ni LJ ang tanong ni Boy Abunda sa kanya.
Kung may third party ba sa hiwalayan nila ni Paolo Contis.
Dalawang beses itong naitanong sa kanya ni Boy Abunda at sa parehong pagkakataon. Ilang segundong nanahimik ang Kapuso actress.
Nasabi naman nito ang pahayag na “I think marami po ang makasasagot niyan kahit hindi po ako sumagot.”
Marami din umanong concern sa kanya na nagpapadala ng mga larawan na nakikita si Paolo.
Ngunit lagi daw itinatanggi ng aktor ang mga akusasyon na ito tuwing napaguusapan nila.
At nitong araw nga lamang ay may lumabas na litrato na namataan ang aktor na may kasamang ibang babae sa Baguio.
Ayon pa sa post ng hindi kinilalang source ay nagsusubuan at napaka sweet pa daw ni Paolo. At ng kasama niyang babae habang kumakain.
Kaya naman mas lalong umigting ang hinala ng netizens na 3rd party talaga ang dahilan ng hiwalayang Paolo at LJ.
The post Paolo Contis at Yen Santos, spotted na sweet sa isat-isa na magkahawak habang naglalakad sa Manaoag appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments