Looking For Anything Specific?

Video interview noon ni Yen Santos tungkol sa mga “kabit sa totoong buhay” muling nagviral ngayon

Binalikan ng mga netizens ang panayam noon kay Yen Santos tungkol sa mga “KABIT” sa totoong buhay.

Dawit ang pangalan ng aktres na si Yen Santos sa hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis.

Nauna kasing lumabas kahapon ang ilang litrato ni Paolo na may kasamang ibang babae. Isang araw lang matapos ang naging panayam ni Boy Abunda kay LJ Reyes.

Noong una ay naging misteryoso kung sino nga ba ang babaeng kasama ni Paolo sa nasabing larawan.

Hindi kasi kita ang mukha ng “mystery girl” dahil nakatalikod ito ng makuhaan ng litrato.

Ngunit ngayong araw lang ay may video clip na nag-viral kung saan makikitang naglalambingan habang naglalakad si Paolo at ang “mystery girl”

Nakilala naman ng maraming netizens na ang babaeng kasama ni Paolo sa litrato at video ay iisa. At ito ay walang iba kundi si Yen Santos.

Nagkasama kasi sa pelikulang “A Faraway Land” na ipinalabas sa Netflix kamakailan sina Paolo at Yen.

At mukhang dito ay na-develop ang pagtitinginan ng dalawa.

Hinuha tuloy ng marami na si Yen ang 3rd party sa hiwalayang Paolo at LJ. Kaya naman, binalikang muli ng mga netizens ang naging panayam noon ni Yen.

Kung saan nagbigay siya ng mensahe tungkol sa mga “kabit” sa totoong buhay. Ito ay noong mga panahon na sikat ang kanilang serye na “Halik.”

Saad dito ni Yen “May kanya-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganyang sitwasyon pero sana bago nila isipin na pumasok sa ganyang sitwasyon, siguro isipin muna nila ‘yung consequences na pwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na pwede talaga nilang pagsisihan hanggang huli. “

Lahad ng mga netizen na ang mensaheng ito ni Yen ay dapat umanong i-apply niya sa kanyang sarili.

Narito ang kabuuan ng video ng panayam kay Yen:

Kim Chiu, usap-usapan ngayon ng mga netizens ang balitang inalis na si Kim Chiu sa It’s Showtime bilang host

Aalisin na nga ba bilang host ng It’s Showtime si Kim Chiu?

‘Yan ang tanong ng maraming netizens dahil napansin nila na hindi na pinapasok si Kim sa mga segment ng show.

Kakanta lang umano ang aktres tuwing opening at makatapos noon ay hindi na muli siya masisilayan sa buong programa.

May lumabas din kasing balita na pagbalik ni Anne Curtis ay tatanggalin na umano si Kim sa nasabing noontime show.

Kaya naman usap-usapan sa social media kung totoo nga ba ang balitang ito.

May ilan ang nagsabi na napansin din nilang ilang araw ng nakaupo lang si Kim sa loob ng studio. Hanggang opening lang at kahit closing ay wala na rin ang dalaga.

Marami naman ang nagsasabi na swak ang energy ni Kim para sa show. Very bubbly at charming daw ang personalidad ni Kim, no wonder at gustung-gusto siya ng madlang people.

Agad ding naka-vibes ni Kim ang mga kasamahan niya sa show lalo na si Vice Ganda. At maganda nga umano ang chemistry nila on cam.

Kaya sa balitang babalik na si Anne Curtis sa show, nabahala naman ang mga fan ni Kim at baka ma-‘lost in space’ daw ang idolo nila sa show.

May ilan pa ngang nagsabi na although minsan ay nakakainis si Kim dahil laging nakasigaw. Hindi naman umano nila ma-imagine na wala ang aktres sa programa.

Nakakadagdag din daw umano ang kanyang energy para mabuhay ang It’s Showtime.

Narito pa ang ilan sa say ng netizens:

“kairita kaya ang boses nya lalo na pag tumawa, lakas maka fake. corny din naman mga joke nya. hindi siya kawalan sa showtime like duh”

“Hmmm, either Pakulo lang ito or unti unti na nila talaga aalisin si Kim to give way to the return of Anne”

Anong say mo dito?

The post Video interview noon ni Yen Santos tungkol sa mga “kabit sa totoong buhay” muling nagviral ngayon appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments