Looking For Anything Specific?

“Ultimate Plantita of Social Media”- Jinkee Pacquiao, Ipinasilip ang Loob ng Kanyang ‘Paradise’ Garden!

Sa panahon natin ngayon, usong-uso na ang mga ‘plantito’ at ‘plantita.’ Kung ikaw ay mahilig sa mga halaman, malamang ay narinig mo na rin ang salitang ito. Ito ay naglalarawan sa mga taong mahilig mag-alaga ng halaman sa kanilang bahay. Bukod sa nakakapagpaganda ng bahay, hindi maikakailang nakakagaan rin ng loob ang pag-aalaga sa iba’t-ibang klase ng halaman.

Ngunit sa kabila ng saya na naihahatid nito, kailangan mo rin maglaan ng oras at pera sa hobby na ito. Talagang may mga taong willing na maglaan ng malaking pera para lamang maalagaan nang maayos ang kanilang mga halaman!

Isa na sa kanila ay si Jinkee Pacquiao, na tinaguriang ‘Ultimate Plantita’ sa social media. Pag nakita mo ang kanyang koleksyon ng mga halaman, paniguradong mapapa-‘sana all’ ka na lang!

Tila paraiso para sa isang plantito at plantita ang hardin ni Jinkee. Aakalain mong nasa resort ka kapag nasilip mo ang bakuran ni Jinkee, dahil punong-puno ito ng magagandang bulaklak at halaman.

Sa kanyang vlog, ipinasilip ng maybahay ni Senator Manny Pacquaio ang kanyang ‘baby plants.’ Ayon kay Jinkee, dati pa man ay mahilig na siyang mag-alaga ng mga halaman.

Kaya naman willing siyang gumastos at mag-hire ng landscape architect para masiguradong maganda at maaliwalas ang kanyang garden.

Ipinakilala niya rin ang kanyang magaling na landscape artist na si Roy Bacalso. Ayon kay Jinkee, si Roy ang tumutulong sa kanya na ayusin ang kanyang mga tanim at alagang halaman. Isang kilalang landscape artist na si Roy.

Sa katunayan, mahigit isang dekada niya na rin itong ginagawa, kaya naman tiwala na sa kanya si Jinkee. Madalas rin daw mag-request si Jinkee kung ano ang nais niyang ilagay sa garden.

“May mga request ‘yan si Madame Jinkee like flower plants or bonsai. It all depends sa area na ipa-landscape niya. Si Sen. Manny naman seldom po ‘yan mag-request ng mga plants. While kami dalawa naman ni Madame Jinkee we’re not holding back sa mga ideas,” pahayag ni Roy sa isang interview.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Jinkee Pacquiao parang nasa bakasyon lang, gaano ka-sosyal ang kanilang quarantine life ibinahagi ng misis ng Pambansang Kamao

Quarantine life pero parang nasa bakasyon lang.

Ito ang reaksyon ng marami ng ibahagi ni Jinkee Pacquiao ang ilang araw nilang pamamalagi sa isang hotel sa Maynila.

Bahagi ito ng kanilang quarantine matapos umuwi galing U.S para sa katatapos lang na laban ng Pambansang Kamao.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Jinkee kung paano ang kanilang everyday life while on quarantine.

Sa unang araw nila sa Conrad Hotel Manila ay masasarap na pagkain ang ibinahagi ni Jinkee sa kanyang IG.

Kasunod nito ay ang magandang view sa kanilang kwarto, at nilakipan naman ito ni Jinkee ng Bible verse caption.

 

Sa pangatlong araw naman ay ipinasilip ni Jinkee ang ganda ng tila magarbong sala sa kanilang tinutuluyan na siguradong marerelax talaga ang kanilang pamilya.

 

Sa panglimang araw naman nila sa nasabing lugar, ibinahagi naman ni Jinkee kung paano niya naeenjoy ang quarantine life nila na iyon.

 

Suot ang terno na blue short pajamas at may hawak na tasa ay kitang kita ang kasosyalan ng misis ni Manny.

Napag alaman din na ang suot ni Jinkee ay Louis Vuitton Monogram pajama na nagkakahalaga ng 3,800 dollars.

Agad namang umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens ang nasabing post.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Pag ganyan lugar ng quarantine area di k tlg maiinip. You are so blessed Ms. Jinky”

“Why do you show all properties on Facebook. WHY? Aren’t you ashamed if doing that ? Or you just don’t have any more indignity.”

“tama nga sabi ni jinkee…PAG INGGIT PIKIT”

The post “Ultimate Plantita of Social Media”- Jinkee Pacquiao, Ipinasilip ang Loob ng Kanyang ‘Paradise’ Garden! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments