Looking For Anything Specific?

Viral ngayon ang isang guro, na sumugod sa gitna ng ulan upang makarating lang sa paaralan, ‘Ulan ka lang, teacher kami!’

Bawat taon na dumaraan laging ipinagdiriwang ang araw ng mga guro, at ngayong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre ay selebrasyon ng ‘Teacher’s Day’. Kung saan ito ang buwan na ipinagdiriwang ang bawat sakripisyo ng ating mga guro upang may matutunan lamang ang bawat kabataan sa mundo. Sila ay isa sa mga maituturing natin na mga bayani dahil sa kanilang sakripisyo at ibinibigay na pagmamahal sa kanilang bawat mag-aaral.

Source: Facebook/ MiChelle Buquiran-Miguel

Dahil pagdiriwang ngayon ng araw ng mga guro, isang guro ang hinahangaan ngayon sa social media dahil sa kanyang katapangan na sumugod sa gitna ng ulan at maputik na daan para lang makapunta sa pinapasukang paaralan sa Sarangani, South Cotabato.

Source: Facebook/ MiChelle Buquiran-Miguel

Siya ang nakilalang si Teacher Michelle Buwuiran-Miguel, ibinahagi niya sa kanya mismong facebook account ang kanyang naging karanasan para lang makapasok sa paaralan ng kanyang pinapasukan. Makikita sa larawang kanyang ibinahagi na siya ay basang-basa sa ulan kung saan siya ay nakasakay sa kanyang motor at pilit niyang nilalabanan ang maputik na daan papunta sa kanilang paaralan.

Source: Facebook/ MiChelle Buquiran-Miguel

Kaya naman bilang isang guro hindi naging hadlang kay Teacher Michelle ang badya ng panahon dahil ang tanging mahalaga sa kanya ay ang kanyang tungkulin. Dahil para sa kanya may mga tungkulin siyang ginagampanan at dahil balik- eskwela na kaya kailangan nilang paghandaan ang mga modules ng kanilang mga estudyante.

Source: Facebook/ MiChelle Buquiran-Miguel

At kahit na basang-basa siya ng ulan ay nakangiti pa rin ito. Dahil sa kanyang ginawang pagsugod sa ulan ay nabasa ang kanyang dalang laptop kaya naman nang makarating siya sa isang bahay ay agad niya itong pinunasan. Ang iba namang kasama ni Teacher Michelle na mga guro din ay basing-basa rin ng ulan at dala-dala ang kanilang tsinelas na naglalakad sa maputik na daan.

Source: Facebook/ MiChelle Buquiran-Miguel

Gayunpaman, itinuturing nila itong isang magandang karanasan dahil katumbas naman nito ang kinabukasan ng isang mag-aaral. Ganito na lamang ang nararanasan ng mga ka-guruan na nagtuturo sa mga probinsya lalo na sa mga lugar na walang maayos na kalsada. Kaya naman tuwing umuulan ay pahirapan ang pagbiyahe dahil sa maputik at lubak-lubak na daan.

Maraming netizen naman ang humanga at pinuri ang mga guro sa kanilang naging sakripisyo. Hindi sila madalas maipakita sa social media kaya naman nakakabilib ang dedikasyon ng ating mga guro sa kanilang sinumpaang propesyon.

Source: Facebook/ MiChelle Buquiran-Miguel

Ang ibinahaging post na ito ni Teacher Michelle ay umani ng mga positibong papuri na may mahigit 26,000 of shares at 32,000 na reactions. Kung saan ang post na ito ay may caption na, “Ulan ka lang, teacher kami! Sulong edukalidad!.”

Beteranang aktres na si Gloria Romero naiyak ng surpresang makausap ang 100yrs.old na, na guro niya noong Highschool

Lubos ang kasiyahan ng beteranang aktres na si Gloria Romero ng muli niyang makita at makausap ang dati niyang guro.

Sa programang “Tunay Na Buhay,” ipinakilala ang 100-taong-gulang na si Lola Virginia Malay, na minsan na ring mag-viral sa social media nang lumabas ang kaniyang larawan habang dumadalo sa reunion via zoom.

Ang anak ni Lola Virginia ang tumulong sa kaniya sa paghahanda upang makadalo sa naturang reunion.

Kahit noon pa man, mahilig daw talagang dumalo si Lola Virginia sa reunion pero natigil ito mula nang magkaroon ng pandemic.

Ayon pa kay Lola Virginia, ang panonood ng telebisyon ang isa sa kaniyang libangan, at isa sa mga paborito niyang artista si Gloria, na naging estudyante niya noon.

Sa pagkakataong ito, sinorpresa na si Lola Virginia na ipakausap sa kaniya via video chat si Gloria, na nasorpresa rin.

Si Gloria ay 88-taong gulang na, sa kanyang edad talagang nakakamangha na makikita niya pang muli ang kanyang guro.

Ang ganitong pagkakataon ay bibihira lamang, dahil ang buhay ng tao ay hindi naman pang-matagalan.

Kaya naman, maraming mga netizens ang labis na natuwa sa muling pagkikita ni Gloria at ng kanyang guro.

Sa kanilang mga edad, mapapansin na pareho pa silang malakas, malusog at aktibo pa ang pag-iisip. Dahil agad nilang nakilala ang isa’t isa.

Makikita rin sa kanilang mga larawan na sila ay masaya sa kanilang muling pagkikita. At tila nag-eenjoy din silang kausapin ang isa’t-isa kahit ito ay virtual lamang

Masaya naman si Lola Virgie, dahil mabait sa kanya ang Diyos at binigyan siya ng pagkakataon na makita pa isa sa kanyang dating estudyante. Na malayo na rin ang narating sa buhay.

Nakakatuwa lamang isipin na sa tinagal-tagal ng panahon ay muli pa silang magkikita kahit na sila ay may edad na.

Panoorin dito ang kanilang virtual reunion:

The post Viral ngayon ang isang guro, na sumugod sa gitna ng ulan upang makarating lang sa paaralan, ‘Ulan ka lang, teacher kami!’ appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments