Ilang linggo ang nakalipas mula ng burahin ang kanilang YouTube channel, Jayzam Manabat at Camille Trinidad balik vlogging na.
Ngayong araw, September 15, inilabas na nga ng JaMill ang pinakaunang vlog entry nila sa bagong gawa nilang YouTube channel.
Dito ay ipinaliwanag nila ang tunay na dahilan kung bakit nila binura ang dati nilang YT channel na may almost 13 million subscribers na.
Ayon kay Camille nagdesisyon siyang burahin ang kanilang channel para mag focus sa pagmo-move on. Na sanhi ng pagkakaroon ng lamat ng relasyon nila ni Jayzam.
Gusto rin umano niyang subukan kung kaya nilang ipagpatuloy ang kanilang relasyon kahit hindi na sila nagba-vlog.
Aminado naman si Jayzam na nagalit siya kay Camille nang binura nito ang kanilang YT channel. Pero kumalma din daw siya dahil sa pagmamahal niya sa nobya.
Binalikan din nila ang mga panahon na nag-uumpisa pa lang silang mamuhay na magkasama. Ang mga rakets at sideline na ginawa nila para lang magakapera.
Pati na din ang nangyaring panloloko sa kanila ng kanilang mga nagdaang management.
Hanggang sa marealize nila na gusto at kaya pa rin nilang makapiling ang isa’t-isa kahit wala ng YT channel. Kaya naman napagdesisyunan ng magkasintahan na magtrabahong muli bilang mga vloggers.
Ipinaliwanag din nila na naiintindihan nila ang mga kumalat na balita sa tunay na dahilan ng biglaan nilang pagbura ng kanilang channel.
Dahil bigla na nga lamang daw silang nawala ng hindi alam ng kanilang mga fans ang totoong saloobin nila.
Samantala, marami sa kanilang mga “mandirigma” ang nagpugay sa muli nilang pagbabalik. Napakasaya ng kanilang mga taga-hanga at inexpress ng mga ito kung gaano nila na-miss ang JaMill.
Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang vlog:
Jamill, muling magbabalik sa pagba-vlog matapos ang ilang linggong pagkawala ng kanilang YouTube channel
Mukhang balik vlogging na ang magkasintahang Jayzam Manabat at Camille Trinidad o tinawag na JaMill ng kanilang mga fans.
Halos isang buwan lang ang nakalipas ng ianunsyo ng JaMill na binura na nila ang kanilang YouTube channel. Na mayroong higit na 12 million subscribers.
Anila, gusto daw muna nilang mag-focus sa kanilang relasyon at mamuhay na lang ng simple.
Hanggang sa napabalita na ibinebenta na nila ang kanilang naipundar na bahay at mamahaling sasakyan.
May kumalat din na balita na kaya daw binura ng magkasintahan ang kanilang YouTube channel ay dahil umiiwas sila sa BIR.
Malaking tax daw kasi ang ipapataw sa JaMill kaya biglaan ang pag delete ng kanilang channel.
Hinala naman ng mga netizen, maaaring sila ang blind item ng Bureau of Internal Revenue kaugnay sa influencers na nag-delete ng social media account dahil ayaw magbayad ng buwis.
Pero kahapon, September 14, tila nagpahiwatig ang magkasintahan sa kanilang pagbabalik sa vlogging.
Sa Instagram Stories ni Camille, makikita ang larawan ng isang camera na kanilang ginagamit sa pagba-vlog at isang video kung saan makikita si Jayzam na abala sa pag-eedit ng isang vlog na may caption pang “Bukas na (smiling emoji) abangan!!!”
May Tweet din si Camille na nagsabing “Bukas may upload tayo. Abangan nyo ito.”
Bukas may upload tayo. Abangan nyo ito.
— Camille Trinidad (@camilltrinidad) September 14, 2021
Agad namang na-excite ang kanilang mga “mandirigma” sa balitang ito.
Mahigit tatlong taon ang itinakbo ng karera ng JaMill bilang YouTube vloggers. Sa loob din ng tatlong taon ay nakapagpundar sila ng mga magagarang sasakyan at nakapagpatayo ng isang malaking bahay.
Pero gaya ng ilang sikat na YouTube celebrity couple, minsan ding nasira ang relasyon nina Camille at Jayzam, ngunit agad naman nila itong inayos.
The post Jamill, nagsalita na tungkol sa tunay na dahilan bakit muling nagbalik sa pagba-Vlog at mga haka haka na kumakalat tungkol sa kanila appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments