Looking For Anything Specific?

Actual video ng proposal ni Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado nagpaluha sa mga netizens

Engage na ang long time celebrity couple na sila Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Kagabi, October 29, proud na ibinahagi ng dalawa ang kanilang engagement sa kanilang mga fans.

Una nang nag post ng kanilang larawan ang Kapuso actress sa kanyang Instagram.

“It’s always been a YES,” maikli pero malalim na caption ni Jennylyn sa kanyang post.

Makikita sa nasabing post ang kanilang background na may letter lights standee na “Marry Me.”

Bukod dito, nag upload din ng vlog sa kanyang YouTube channel ang soon to be bride.

May pamagat itong The Proposal Episode 1 After All: Jennylyn & Dennis.

Makikita sa vlog ang actual proposal ni Dennis sa kanyang long time girlfriend.

Nagkaroon muna ng heart to heart talk ang dalawa kung saan parehas silang naging emosyonal. Maya maya pa ay lumuhod na si Dennis at inilabas ang singsing.

Una nang naging usap usapan ang dalawa na namamanhikan na umano ang aktor sa pamilya ni Jennylyn.

Nadagdagan ito nag ingay nang lumabas din ang haka-haka na buntis na umano si Jennylyn sa kanilang unang anak ni Dennis.

Matatandaan na kamakailan lamang ay sinugod sa ospital ang aktres.

Na sa kalagitnaan ng taping noon si Jennylyn para sa upcoming project niya kasama ang bagong Kapuso actor na si Xian Lim.

 

Naglabas ng statement ang manager noon ng Kapuso star ngunit hindi sinabi kung ano ang naging rason ng kanyang emerg€ncy.

Samantala, nagdiwang naman ang mga kaibigan at fans ng dalawa.

Congratulations, soon to be Mr. and Mrs. Trillo!

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, kinumpirma na ang kanilang kasalan at pagiging soon-to-be parents!

Ang celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay kanila ng kinumpirma ang kanilang kasal at pagkakaroon ng baby. Sa kanilang naging panayam sa news report ng “24 Oras” noon lamang October 29, 2021 ito ay kanilang ipinahayag na sa publiko.

Saad ng dalawa, “We are getting married!”

Source:Facebook/Jennylyn Mercado

Ibinahagi ng aktor ang kanyang naging surprise proposal kay Jennylyn, ayon pa sa kanya gusto lamang niyang maging simple at intimate ang kanilang wedding ceremony kung saan ito ay gaganapin lamang sa kanilang bahay.

Pahayag ni Dennis, “Syempre gusto ko hindi masyado magarbo. Sa panahon ngayon, dapat maging practical. Ginawa kong simple pero heartfelt pa rin.”

Sabi naman ni Jennylyn, “Wala akong idea dahil hindi ako masyado bumababa ng bahay. Pero nung time na ’yun, sinabi sa ’kin ni Dennis kailangan ko daw bumaba dahil may ishu-shoot daw kami parang future message.”

Source:Facebook/Jennylyn Mercado

“To our future selves,” dagdag pa niya.

Ika pa ni Jennylyn, “Nagkaroon ako ng kutob nung nagsimula siya magsalita dahil seryoso niya akong kinakausap. ‘Parang may mangyayari ata.”

“Tapos noong nagsalita na siya, naiiyak ako. Kasi ngayon ko lang siya nakitang ganung ka-intense, ka-serious. Tapos lumuhod, nagulat ako bumukas ng pinto.”

Source:Facebook/Jennylyn Mercado

Pagkukwento pa ni Dennis, sinabi niyang kung bakit siya sa loob ng bahay nila Jennylyn nag-proposed. Ito ay dahil na rin sa kondisyon ng pagbubuntis ng aktres.

“Sa condition ni Jen, hindi siya makalabas ng bahay dahil may pinagdadaanan na medyo maselan.”

Ayon naman kay Jennylyn, dalawang buwan na daw siya nakakaramdam ng sintomas ng pregnancy habang sila ay nagtataping ng kanyang TV drama series na, ‘Love. Die. Repeat.’

Source:Facebook/Jennylyn Mercado

Aniya, “Sa tamang oras, sa tamang panahon, sa pagkakataon na ready ka na siguro, duon siya ibibigay sayo,”

“May 2 boys na kami so sana, sana ibigay samin ang baby girl.”

Maliban sa kanilang kasal at soon-to-be parents, ipinagdiwang din nila Dennis at Jennylyn ang kanilang 7th year anniversary ng kanilang relationship ngayong darating na January 2022.

The post Actual video ng proposal ni Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado nagpaluha sa mga netizens appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments