Looking For Anything Specific?

Dimples Romana, ginulat ang netizens ng ibahagi ang kanyang transpormasyon ngayon na pang bagets ang look!

Dimples Romana, muling pinahanga ang kanyang mga fans sa kanyang Instagram update.

Mala bagets ang aurahan ngayon ng Kapamilya actress.

Matapos ang kanyang proper diet at exercise, back in shape si Dimples ngayon.

Noong pinapalabas pa ang Kapamilya hit series na Kadenang Ginto, mapapansin na hindi ganoon kapayat ang aktres kumpara ngayon.

Kaya naman ang kanyang mga fans super surprised sa kanyang transformation.

Hindi maitatanggi na isa si Dimples sa mga nag gagandahang aktres na hindi kumukupas ang ganda.

Sa nasabing Instagram post ng 36-year-old actress, maraming nagsasabi na parang kapatid niya lang ang kanyang dalagang anak.

Naka suot ng white plain croptop si Dimples at eyeglasses. Agaw pansin ang kanyang flat na flat na tummy!

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Payatttt”

“Bagets!!! Grabe”

“Ang sexy”

“Napatingin ako 3x!!!! Graaaabe! Bagetssss ang gandaaa!!”

“Bakit parang college ang hitsura ninyo?”

“Grabe ang sexy niyo na po Ms. Dimps!”

Kasalukuyang na sa lock in taping si Dimples ngayon ng “Viral Sc4ndal.”

Active sa kanyang social media ang aktres lalo na sa Instagram at YouTube channel.

Makikita ang kanyang back in shape progress sa mga uploads sa Instagram at vlogs niya.

Ano kaya ang naging sikreto ni Daniela Mondragon sa kanyang pagpayat?

Dimples Romana, Niregaluhan Ng Bahay At Lupa Ang Kaniyang Kasambahay Na 17 Taon Nang Naninilbihan Sa Kanila

Sinurpresa ng actress na si Dimples Romana ang kaniyang yaya ng isang house and lot! Ibinahagi ito ni Dimples sa pamamagitan ng isang video sa kaniyang Facebook acount.

Napagpasyahan ng actress at ng kaniyang asawa na si Boyet Ahmee na bigyan ng isang espesyal na bagay ang kanilang kasambahay na di kalaunan ay naging parte na ng kanilang pamilya.

Ayon kay Dimples at Boyet, ang kanilang kasambahay na si Vilma ay naninilbihan na sa pamilya sa loob ng 17 taon.

Sa unang bahagi ng video, makikita na ang mag-asawa ay nasa loob muna ng kanilang sasakyan. Ipinaliwanag nila na kinausap na nila si Ate Vilma at sinabi dito na magkakaroon sila ng isang house tour.

Pagbabahagi pa ng actress na si Ate Vilma ay naging isang malaking bahagi na ng kanilang buhay na siya na mismo ang gumagawa ng desisyon pagdating sa mga dapat gawin sa bahay.

Kahit ang pagsama sa kanilang mga anak, hindi na nila kailangan pang pagsabihan o tignan ang kanilang kasambahay dahil alam ng mag-asawa na alam na nito ang kaniyang ginagawa pagdating sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Nagbiro pa nga si Dimples at sinabi na si Ate V ang real life Dani girl sa kanilang buhay. Si Dani Girl ang role na ginampanan ni Dimples sa teleserye ng ABS-CBN na “Kadenang Ginto.”

Sa nasabing video, sinabi nila kay Ate V na tatanungin nila ito patungkol sa kaniyang opinyon tungkol sa bahay kung bibilhin ba nila ito o hindi. Tila nagustuhan naman ni Ate V ang bahay dahil sinasabi niya ay “wow ang ganda” at “gusto ko to” pagkakita pa lamang ng loob ng bahay. Ngunit, ang alam lang ni Ate V ay hindi pa nabibili ng mag-asawa ang nasabing bahay.

Nagkaroon sila ng house tour mula sa gate, restroom, sa likod, at sa second floor ng bahay. Nang sila ay makarating na sa second room, doon ay nakatago ang surpresa na handog ni Dimples at Boyet sa kanilang kasambahay.

Sa nasabing kwarto, mayroong nakasulat sa pader gamit ang lobo na sinasabi: “OO ATE V PARA SAYO TO”. Mayroon pa silang standee ni Ate V bilang parte ng surpresa nila dito!

Nang mapagtanto ni Ate V na para sa kaniya ang bahay, naging emosyonal at hindi na niya napigil ang pag-iyak dahil sa kasiyahan at kagalakan sa surpresang handog sa kaniya nina Dimples at Boyet. Labis din ang pasasalamat ni Ate V para sa mag-asawa dahil pangarap niya talaga ang magkaroon ng sariling bahay.

The post Dimples Romana, ginulat ang netizens ng ibahagi ang kanyang transpormasyon ngayon na pang bagets ang look! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments