Looking For Anything Specific?

Cristy Fermin, naging isyu ang pagsusuot umano ni Nadine Lustre ng swimsuit!

May bago na namang patutsada ang kolumnistang si Cristy Fermin sa aktres na si Nadine Lustre. Ito ay kamakailan lamang sa isang episode ng kanyang Cristy Ferminute. Sa kanyang show naging sentro nito ang narinig umano niyang reaksyon ng isang netizen sa kumakalat na larawan ni Nadine sa social media na nakasuot ito ng swimsuit.

Ayon sa netizen na tinutukoy ni Cristy, sinabi umano nitong tila tumaba ang singer-actress at wala na umanong body curves ang katawan nito. Kaya naman ang netizen na ito ay agad naman ding sinagot ni Nadine ng, “ew body sh4mer”.

Source:IG/nadine.lustreofficial

Ayon naman kay Cristy, “Si Nadine pumapa-show sa Siargao… lakad nang lakad, rampa nang rampa na naka-two piece.. Ewan ko no kung bakit ayaw niya mag-damit.”

“Tapos ngayon nagiging sentro siya ng body shaming. Sabi ng isang netizen, ‘Nadine napapansin na tumataba ka na, ingat-ingat’ Anong masama doon?”

Saad pa niya, “Ikaw na hitad ka!, ayaw mo mag-damit pa show ka nang pa-show kahit saan, bibili ka lang ng sarsa ng litson, kitang-kita buong katawan mo. Para ‘di ka naba-bash, magtapis ka!.”

Source:IG/nadine.lustreofficial

Samantala sa kanyang twitter account matapos na maglabas ng kanyang banat si Cristy ay nag tweet si Nadine na tila ba may pinapatamaan siya rito.

Sagot ni Nadine, “2021 na, t0xic pa rin … Marites talaga, ih.”

Kaya naman dahil dito lalo siyang ito ang siyang binanatan ng kolumnista. Bukod pa sa viral na litratong ito ay maka-ilang ulit na ring na-spot-an ng mga tagahanga niya ang aktres sa isla ng Siargao kung saan madalas siya ay naka-bikini.

Dagdag pa ni Cristy, “Hindi mapapansin kung hindi pinapakita… Ikaw ang kumakaway para lapitan ka ng mga bashers. Kung nagdadamit ka, wala dapat issue-ng ganyan, di ba? Wag mong ipakita ang katawan mo, wala kaming makikita. Mag balot ka.”

Sabi pa ni Cristy na subukan umanong takpan ni Nadine ang katawan nang hindi daw siya naba-bash ng mga tao.

Aniya, “Para hindi ka nababa-bash, magtapi ka,”

Source:IG/nadine.lustreofficial

“Itago mo yang katawan mo nang hindi ka naba-bash. Eh ano inaasahan mo pag ganyang ipinakikita mo buong katawan mo.”

Sinabi pa ni Cristy na hindi naman umano pambabatikos ang kanyang mga sinabi kundi isang paalala. At iginiit din niyang si Nadine naman ang nag-bash sa netizen nung mga oras na iyon.

Source:IG/nadine.lustreofficial

“Ikaw pa nga ang basher na lumalabas dito eh ‘di ba, kasi hindi naman basher yun nagpaalala lang naman sayo na parang ano, nahahalatang tumataba ka,” pagtatapos pa ni Cristy.

Nadine Lustre, kinaaliwan ngayon ng mga netizens dahil sa kanyang larawan na bumibili sa isang sari-sari store

Long vacation or for good na nga ba ang pag-stay ni Nadine Lustre sa Siargao island?

Ito ang tanong ng maraming netizens, makatapos mag-viral ng larawan ng aktres. Na bumibili sa isang sari-sari store sa Siargao.

Nakasuot lamang ng bikini top at maong shorts ang aktres ng makuhaan siya ng litrato. Wala ring make-up si Nadine sa mga oras na iyon.

Sa Facebook post ng JaDine fanpage ay isang nakakatuwang caption ang inilapat nila sa larawan ng aktres.

Saad dito, “Yung nautusan ka ng nanay mong bumili sa tindahan. (MANG TOMAS PO HAWAK NIYA) Nadine living a simple life in Siargao.”

Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang litratong ito ni Nadine.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Yung bumibili ka pa ng concert ticket makita lang sila tapos sa Siargao ganito lang. Nasaan ang hustisyaaaaa?!?!!”

“living in siargao for good?”

“Gusto nya lang talag simpleng life,na Hindi maibgay bigay ng mga bashers nyang gang lait lng ang Alam”

“kung ganito lang ako kaganda kapag pinapabili baka nasa tindahan nako palagi”

“Mukhang gagaya na siya kay Andi sa Siargao na mamumuhay ng simple”

Bago pa man ma-implement ang ECQ restriction code sa NCR ay napabalitang nasa Siargao na si Nadine.

Kung saan namataan din siyang kasama ang kanyang rumored French Filipino boyfriend na si Christopher Bariou.

Ayon sa ilang ulat, si Christopher ay ang founder at managing director ng Maison Bukana. Owner din umano ang binata ng isang resort sa Siargao.

Marami namang agad ang natuwa para sa aktres na nakahanap na umano ito ng bago niyang pag-ibig.

Matatandaan na mahigit isang taon na ng isapubliko nila Nadine at dating kasintahan na si James Reid ang kanilang hiwalayan.

The post Cristy Fermin, naging isyu ang pagsusuot umano ni Nadine Lustre ng swimsuit! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments