Looking For Anything Specific?

AJ Raval, pinalunan ng papuri ni Cristy Fermin dahil sa pag hingi ng tawad nito kay Kylie Padilla!

Puro papuri ang namutawi ni Cristy Fermin para kay AJ Raval at sa mga magulang ng aktres.

Sa latest episode ng kanyang radio at digital program na Cristy Ferminute. Si AJ Raval ang naging paksa ng batikang kolumnista.

Ikinumpara ni Cristy si AJ sa mga ibang artista na aniya’y mataas ang ihi kahit sila na ang may mali.

Saad ni Cristy, “Ako pinuri ko siya (AJ) e, kahit sa column ko bukas. Pinuri ko siya kasi marami pong artista na maling-mali na, matataas pa ihi. Marami pong personalidad na buking na buking na pero nagmamalaki at mayabang pa.”

Pagpapatuloy pa nito, “I’m sorry. Dadalawa lang pong salita ‘yan pero hindi po lahat ay nakapagbibitiw ng salitang ‘I’m sorry’. Mas madalas po nating bitiwan ‘yung tatlong salita na ‘I love you’. Pero ‘I’m sorry’ dadalawa, hindi pa natin mabitiw-bitiwan. Kasi po tinatalo tayo ng maling ego.”

Pinuri din ni Cristy ang abilidad ni AJ na tanggapin at aminin nito ang kanyang pagkakamali.

“Marami rin pong personalidad na nagkakamali na hindi natin naaasahan ng paghihingi ng paumanhin. Pero eto ang isang AJ Raval, bata pa kung ituturing, pero tinanggap niya ang kanyang pagkakamali. Humingi siya ng tawad hindi lang kay Kylie kundi pati sa publiko at sa lahat ng naapektuhan sa kanyang pagse-share nu’ng ano ni Aljur.”

Pati na rin ang mga magulang ni AJ na sina Jeric Raval at Alyssa Alvarez ay pinapurihan ni Cristy.

Aniya napalaki daw ng tama at maayos ng mga ito ang kanilang mga anak.

“Hanga ako sa batang ito, hangang-hanga ako sa kanya. Bukod sa maganda na siya, maganda ‘yung disiplina, pagpapalaki sa kanya ni Jeric at saka ni Alyssa.”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Alyssa Alvarez, nagpapasalamat dahil sa pag-protekta ni Aljur Abrenica sa anak na si AJ Raval

Pasasalamat ang minutawi ni Alyssa Alvarez para sa naging pahayag ni Aljur Abrenica.

Martes ng gabi October 19, ay naglabas na nga ng kanyang saloobin si Aljur. Tungkol sa tunay umanong dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie Padilla.

Dito ay hinamon ni Aljur si Kylie na sabihin na sa publiko ang totoong nangyari. Na kung sino nga ba talaga ang unang nagloko at nakasira ng kanilang pamilya.

Ilang sandali lang ang nakalipas ay nagbigay din ng kanyang saloobin ang ina ni AJ Raval na si Alyssa ukol dito.

Hindi naman kaila sa publiko ang namamagitan ngayon kina AJ at Aljur. Kaya naman sa Facebook post ni Alyssa ay pinasalamatan niya ang aktor.

Sa ipinangako nitong pagtatanggol at pagprotekta kay AJ kahit ano pa man ang mangyari. Isiniwalat din nito na alam niya ang nangyari kina Kylie at Aljur.

Mismong ang aktor da ang naglahad sa kanya ng buong katotohanan pero hindi niya ito isinapubliko.

Ani Alyssa sa kanyang post, “He told me everything from the start, para makilala ko Ang pagkatao nya, kung karapat dapat ba syang tanggapin ng pamilya namin.”

“Tao syang lumapit sa amin kaya tao din namin syang tinaggap. I kept my mouth shut. Nung nag ka issue na. mas pinili Kong masaktan para sa ank ko, dahil alam ko darating Ang Araw lalabas Ang totoo”

“kinain ko lahat ng mga pinagsasabi sa akin namasakit ng mga walang alam sa nangyayari. Para lang wag na lumaki pa. Pero nag papasalamat Ako ‘anak’ kase tinupad mo Ang sinabi mong di mo kami pababayaan .. alam ko Hindi lang ito para sa amin, pati narin sa mga taong nagmamahal at nasasaktan para sayo.”

The post AJ Raval, pinalunan ng papuri ni Cristy Fermin dahil sa pag hingi ng tawad nito kay Kylie Padilla! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments