Looking For Anything Specific?

Cristy Fermin, may matinding bwelta sa post ni Kylie Padilla tungkol sa kanya na ‘GROW UP’

Hindi na bumilang pa ng ilang araw ay may sagot na agad si Cristy Fermin. Sa patutsada sa kanya ni Kylie Padilla.

Kamakailan nga lamang, sa kainitan ng pahayag ni Aljur Abrenica na si Kylie mismo ang nakasira ng kanilang pamilya. Nagbigay ng kanyang pahayag ukol dito si Cristy Fermin.

Aniya, ayon sa kanyang reliable source ay lagi umanong may ibang kausap si Kylie sa telepono. Kahit pa nga daw madaling araw ay may katawagan ang Kapuso actress.

May idea raw si Cristy mula sa source kung sino ang “hinihinalang lalaki” na tinutukoy ni Aljur na may ugnayan umano kay Kylie.

Nang makarating ito sa aktres ay agad niyang sinagot ag pahayag na ito ng batikang kolumnista.

Aniya, “Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sainyo. Nagtitimpi ako para sa mga anak ko.”

Pagkatapos nito ay pinayuhan ni Kylie si Cristy na tignan muna ang mga sarili nilang pagkakamali bago sila maki alam o mang husga ng ibang tao.

“Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na,” dugtong pa ni Kylie.

Samantala, sa episode ng Radio at digital show ni Cristy ay sinagot niya din agad ang aktres.

Sa simula ay pinaalala nito kung saan siya nagmumula at ipinaliwanag nito kung gaano niya kamahal ang ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Ayon pa kay Cristy hanggang kanunu-nunuan ni Kylie ay malaki ang kanyang respeto.

Ngunit ayon din sa kolumnista ay kahit kailan man ay hindi niya binabawi ang mga nasulat o nasabi na niya.

Narito ang kanyang buong pahayag:

Kylie Padilla, sinupalpal ang mga akusasyon ni Cristy Fermin na lagi siyang may katawagan noong sila pa ni Aljur Abrenica

In rage ang Kapuso actress na si Kylie Padilla  sa mga naglalabasang kontrobersiya laban sa kanya.

Hindi na nakapagtimpi si Kylie sa kabi-kabilang akusasyon tungkol sa kanya. Kaugnay ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

Matapos nga ang naging pahayag ni Aljur na hinamon si Kylie na ilabas na ang katotohanan sa publiko. Marami ng sanga sangang balita ang naglabasan.

Isa na sa agad nakisawsaw o nagbigay pahayag sa isyu ay ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin.

Sinabi ni Cristy na ayon umano sa kanyang source ay laging may ibang kausap si Kylie. Kahit nagsasama pa sila noon ni Aljur.

Ayon sa kanyang source ay kahit madaling araw na daw ay may ibang kausap pa din si Kylie sa telepono.

Nang makarating kay Kylie ang akusasyon naito ni Cristy ay hindi napigilan ng aktres ang supalpalin ang kolumnista.

Sa kanyang social media post na ngayon ay burado na saad ni Kylie, “Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sainyo. Nagtitimpi ako para sa mga anak ko.”

Pagkatapos nito ay pinayuhan ni Kylie si Cristy na tignan muna ang mga sarili nilang pagkakamali bago sila maki alam o mang husga ng ibang tao.

“Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na,” dugtong pa ni Kylie.

Sa huli ay sinabi pa ni Kylie na kung maninira na lamang sana sila ay tiyakin nilang totoo ang mga ibabato nilang isyu laban sa kaniya.

“At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo,” panghuli banat ni Kylie Padilla laban kay Cristy Fermin.

The post Cristy Fermin, may matinding bwelta sa post ni Kylie Padilla tungkol sa kanya na ‘GROW UP’ appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments