Looking For Anything Specific?

Aljur Abrenica, Nahuli Daw sa Akto si Kylie na May Kasamang ‘Mystery Guy’?

Lalong tumitindi ang mga rebelasyon tungkol sa hiwalayan ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Nawindang ang mga netizens matapos manawagan si Aljur sa kanyang misis na magsalita tungkol sa totoong dahilan ng hiwalayan nila. Pinahiwatig ni Aljur na si Kylie ang naunang magloko, dahilan kung bakit nasira ang kanilang pamilya.

Isang kumakalat na blind item rin mula sa Philippine Entertainment Portal ang nag-viral sa social media. Ayon sa blind item na ito, nahuli di umano ni Aljur sa akto si Kylie habang kasama nito ang kanyang boyfriend.

Hindi naman pinangalanan o kinumpirma kung sino ang lalaking kasama ni Kylie, ngunit may ibang netizens na nagtatanong kung si JM de Guzman nga ba ito.

Read More: “Pinagbintangan at kinapkapan ako”- Tekla, Ipinahiya ng Sales Clerk Matapos Pagbintangang Nagnakaw sa Convenience Store

“Doon na inamin ni Kylie na namimiss niya na magbuhay dalaga at mag night out with friends. Kaya si guy, kinuha niya anak niya. Yun kasunduan, kaya nanahimik si guy. Si girl nabubuhay mag-isa ngayon, nabibisita lang sa mga baby nila parents ni guy. Kaya todo magagandang words binibitawan ni Kylie kay Aljur kasi para hindi mabulgar na sya nauna,” pahayag pa ng showbiz insider.

Ayon pa sa viral na blind item, dahil bata pa lamang nang mag-asawa si Aljur at Kylie ay tila ba na-miss na rin ng aktres ang kanyang kalayaan.

Kaya naman lagi itong sumasama sa kanyang mga kaibigan tuwing may out of the town trips, hanggang sa napalapit na rin siya sa isa pang lalaki. Doon na nagsimula ang di umano’y illicit love affair nila.

“Katwiran niya, gusto niya ulit ng freedom niya. Doon na shock lolo mo, kasi isip niya may mga anak na tayo tapos freedom ang hinihingi mo? So, hiwalay ang dalawa at co-parenting sila sa mga anak nila. Alam mo, sobrang mahal ni aktor si aktres, kung alam lang ng ibang tao. Umiiyak siya pag naga-away sila,” dagdag pa nito.

Sa kabilang banda, sa ngayon ay wala pang statement si Kylie tungkol sa mga akusasyong ito. Matatandaang noong July 2021, iginiit ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na si Aljur ang nagloko, kung kaya’t naghiwalay ang dalawa.

Aljur Abrenica sa hiwalayan nila ni Kylie Padilla: “Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.”

Breaking silence..

Ito ang bungad ni Aljur Abrenica sa kanyang latest post sa kanyang social media accounts.

Sa kanyang verified official Facebook page ngayong gabi ng Martes, October 19. Ibinahagi ni Aljur ang kanyang saloobin tungkol sa paghihiwalay nila ni Kylie.

Hindi na raw matiis ng aktor ang “sugar-coated” na mga pahayag ni Kylie tungkol sa kanya.

Kaya naman nakiusap si Aljur kay Kylie na sabihin na nito ang katotohanan. Sa likod ng pagkasira ng kanilang pagsasama.

Hinamon ni Aljur si Kylie na sabihin kung sino talaga ang unang nagloko. At kung sino ang sumira ng kanilang pamilya. At naging dahilan ng pagsuko umano ni Aljur sa kanilang pamilya.

Ani Aljur, “Kylie please tell them the truth. “Don’t hide and disguise your comments, statement for your self-gain.

“Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know.”

Humingi din siya ng dispensa kung hindi niya na umano napigilang magsalita. Kahit pa may usapan silang huwag nang magsalita sa publiko.

Noong una, okay lang daw kay Aljur na siya ang sisihin sa kanilang hiwalayan.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Aljur:

The post Aljur Abrenica, Nahuli Daw sa Akto si Kylie na May Kasamang ‘Mystery Guy’? appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments