Mukhang inangat na ni Yamyam Gucong sa next level ang pag-iibigan nila ng kanyang nobya.
Si William Gucong o mas nakilala natin bilang si Yamyam ng “Pinoy Big Brother: Otso” ay hinangaan ng marami sa atin. Dahil sa pagiging simple nito at mapagpakumbaba. Nagsilbi din siyang inspirasyon sa marami dahil na rin sa kaniyang buhay sa labas ng bahay ni Kuya.
Dahil na rin sa dedikasyon at pagsusumikap niya sa buhay ay hindi nakapagtataka na makapagpundar siya ng ilang negosyo. At isa na nga sa mga ito ang kaniyang “Yamito’s bakeshop”. Sa ngayon naman, sa gitna ng pandemya ay nagpapatayo na siya ng isang bagong bahay.
At tila ang bagong bahay na ito ay paghahanda lamang para sa pagkakaroon niya ng sariling pamilya.
Sa kanyang latest post kasi sa social media ay tila inalok na ni Yamyam ng kasal ang kanyang kasintahan.
Kalakip ang litrato nila ng kanyang nobya na may hawak siyang singsing at nakaluhod sa harapan nito saad ni Yamyam:
Agad namang bumuhos ng congratulatory message ang post na iyo ni Yamyam. Mula sa kanyang mga fans at malalapit na kaibigan.
Bago pa man ang pagpo-propose na ito ni Yamyam ay nagabahgi din siya ng video kung saan nagsasayaw sila ng kanyang kasintahan.
Simpleng caption ni Yamyam sa nasabing video, “One step closer”
Netizens: “When you build a man for someone else.” Anong Meron Sa 8 Years?
The post Yamyam Gucong, umani ng maraming reaksyon ngayon matapos ibahagi ang larawan na tila nagpo-propose na sa kanyang long-time girlfriend appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments