Looking For Anything Specific?

American Comedienne na si Kylie Brakeman, nagtaka bakit nakakatanggap ng message mula sa mga Pinoy kaugnay ng Kylie-Aljur issue

Nagtaka ang American actress na si Kylie Brakeman sa mga mensaheng natatanggap niya mula sa mga Pinoy.

Umabot na nga sa Hollywood ang kontrobersyal na hiwalayan nila Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Umabot kasi kay American actress-writer Kylie Brakeman ang isyu.

Sa Twitter ipinakita ni Brakeman ang screenshot ng message sa kanya ng isang Filipino netizen na idinamay siya sa isyu.

Napagkamalan ng netizen na si “Kylie Padilla” ang pinadalhan niya ng mensahe.

“Hey kylie whats the truth?” message ng netizen. Reaksyon ni Brakeman: “I really didn’t know what I was expecting.”

 

Kasunod nito ay takang taka si Brakeman bakit siya ang nakakatanggap ng gantong mga mensahe. Natatawa uman siya na hindi niya malaman na buong Pinas ang nagpa-prank sa kanya.

 

Upon searching, nalaman ni Brakeman na si Kylie Padilla ang tinutukoy sa isyu at kapangalan niya ito kaya pinagkatuwaan siya ng netizens.

 

Hanggang sa naintindihan na umano niya kung bakit siya ang nakakatanggap ng mga ganoong mensahe at ine-enjoy na lamang daw niya ito.

 

Tila curious sa totoong nangyari, napa-research pa siya ukol sa isyu at pinanigan pa nga ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Sa huli ayon kay Brakeman ay kampi siya kay Kylie sa isyung ito.

Kylie Padilla, tinutulak ang Kongreso na maisabatas ang ‘divorce bill’ matapos ibulgar ni Aljur ang kanya umanong pangangaliwa

Kontrabersyal na naman ngayon ang ex-celebrity husband and wife na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Matapos lumabas ang post ni Aljur tungkol sa katotohanan ng biglaang paghihiwalay nil ani Kylie. Hindi naman nagpatinag ang aktres dahil nag-post din siya sa kanyang social media kung saan pinupursige niya ang kongreso na maisabatas na ang divorce bill sa bansang Pilipinas.

Source:IG/kylienicolepadilla

Lantarang inihayag ng aktres ang kanyang pagsang-ayon sa nasabing panukalang batas ilang oras matapos ibulgar ni Aljur ang di-umano’y katotohanan kung bakit sila naghiwalay. Matatandaan na nagsalita ang ama ni Kylie na si Robin Padilla sa kanilang naging paghihiwalay ni Aljur at dito sinabi ng veteran actor na si Aljur ang may pagkukulang dahil sa hindi maiwasang tukso.

Source:IG/kylienicolepadilla

Pero sa isang Facebook post noon lamang October 19, isiniwalat ni Aljur na si Kylie ang unang nagtaksil sa kanilang pagsasama. Hinikayat ng aktor si Kylie na magsalita na at sabihin na sa publiko ang katotohanan. Ayon sa aktor, punung-puno na raw kasi siya mula sa pambabatikos ng mga netizens dahil sa umuusbong nilang relasyon ng sexy actress na si AJ Raval.

Source:IG/ajabrenica

Kaya naman iisa lang pakiusap ngayon ng aktor kundi ang magsabi na si Kylie ng katotohanan upang malinis niya ang kanyang pangalan sa mata ng publiko. Dahil dito umugong na naman ang balitang may naging ugnayan di-umano sa pagitan nina Kylie at ng aktor na si JM de Guzman ngunit pinabulaanan ito ng aktres.

Source:IG/ajabrenica

Hindi na natigil ang parinigan ng dating mag-asawa sa social media hanggang sa twitter post ni Kylie na talagang nag-trending ay ang kanyang, “#passdivorcebill”. Kanyang ipinayahag ang kanyang pagsuporta sa divorce bill.

Source:Twitter/kylienicolep

Dahil nga kasal pa rin ang aktres kay Aljur tanging annulment lamang ang kanilang magagawang legality ng kanilang paghihiwalay kahit pa man gustuhin ni Kylie ang divorce.

The post American Comedienne na si Kylie Brakeman, nagtaka bakit nakakatanggap ng message mula sa mga Pinoy kaugnay ng Kylie-Aljur issue appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments