Looking For Anything Specific?

Kylie Padilla, sinupalpal ang mga akusasyon ni Cristy Fermin na lagi siyang may katawagan noong sila pa ni Aljur Abrenica

In rage ang Kapuso actress na si Kylie Padilla  sa mga naglalabasang kontrobersiya laban sa kanya.

Hindi na nakapagtimpi si Kylie sa kabi-kabilang akusasyon tungkol sa kanya. Kaugnay ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

Matapos nga ang naging pahayag ni Aljur na hinamon si Kylie na ilabas na ang katotohanan sa publiko. Marami ng sanga sangang balita ang naglabasan.

Isa na sa agad nakisawsaw o nagbigay pahayag sa isyu ay ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin.

Sinabi ni Cristy na ayon umano sa kanyang source ay laging may ibang kausap si Kylie. Kahit nagsasama pa sila noon ni Aljur.

Ayon sa kanyang source ay kahit madaling araw na daw ay may ibang kausap pa din si Kylie sa telepono.

Nang makarating kay Kylie ang akusasyon naito ni Cristy ay hindi napigilan ng aktres ang supalpalin ang kolumnista.

Sa kanyang social media post na ngayon ay burado na saad ni Kylie, “Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sainyo. Nagtitimpi ako para sa mga anak ko.”

Pagkatapos nito ay pinayuhan ni Kylie si Cristy na tignan muna ang mga sarili nilang pagkakamali bago sila maki alam o mang husga ng ibang tao.

“Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na,” dugtong pa ni Kylie.

Sa huli ay sinabi pa ni Kylie na kung maninira na lamang sana sila ay tiyakin nilang totoo ang mga ibabato nilang isyu laban sa kaniya.

“At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo,” panghuli banat ni Kylie Padilla laban kay Cristy Fermin.

Kylie Padilla, lagi daw may katawagan noong sila pa ni Aljur Abrenica ayon sa source ni Cristy Fermin

Dahil trending sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, may pahayag si Cristy Fermin ukol sa issue nila.

Sa kanyang programang ‘Cristy Ferminute’ ang hiwalayang Kylie at Aljur ang naging paksa ng batikang kolumnista.

Sinabi ni Cristy na ayon umano sa kanyang source ay laging may ibang kausap si Kylie. Kahit nagsasama pa sila noon ni Aljur.

“Kung natatandaan niyo po, mga kapatid, lagi po nating pinag-uusapan noon ‘yung kwento ng aking source na si Kylie po talaga ‘yung laging may kausap sa garden,” paglalahad ni Cristy.

Ayon sa kanyang source ay kahit madaling araw na daw ay may ibang kausap pa din si Kylie sa telepono.

“Kahit na madaling-araw, oo, meron siyang kausap sa phone, bumababa siya. Kahit sa kusina, gano’n-gano’n, meron siyang kausap. Natural, hindi naman patay na lokohan si Aljur, ‘di ba? Lalaki ‘yan. Kung ang babae po ay malakas ang pakiramdam, ang tunog naman po ng lalaki, matibay.”

“Merong nagaganap sa kabila ng sila pa ang magkasama,” dagdag pa nito.

Matatandaan ng lumabas ang isyung hiwalay na sina Kylie at Aljur. Si JM De Guzman ang itinuturong karelasyon ni Kylie.

Ngunit mariing itinanggi ng aktres ang akusasyon na ito at sinabing magkaibigan lang sila ni JM.

Samantalang si Aljur naman ay hayagang inamin sa publiko na nagkakamabutihan na sila ni AJ Raval.

Kaya naman siya ang naging tampulan ng mga netizens. At kumbinsido ang lahat na siya ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ngunit kamakailan lang ay nagbigay ng pahayag si Aljur at hinamon si Kylie na sabihin na sa publiko ang katotohanan.

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy:

The post Kylie Padilla, sinupalpal ang mga akusasyon ni Cristy Fermin na lagi siyang may katawagan noong sila pa ni Aljur Abrenica appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments