Looking For Anything Specific?

Di pa Daw Ready? AJ Raval at Aljur Abrenica, Naaktuhang Magka-Holding Hands sa Mall Matapos i-Deny ang Relasyon!

Kumpirmado na nga na mayroong namamagitan kay Aljur Abrenica at AJ Raval. Ito’y matapos ibunyag ng Viva actress na may namumuong pagtitinginan sa kanila. Matatandaang noong July lamang nang mapabalita ang tuluyang hiwalayan ni Aljur sa kanyang asawang si Kylie Padilla. Kinumpirma rin ni Kylie na third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Si AJ ang isa sa mga co-stars ni Aljur sa kanyang pelikulang “Nerisa.” Matapos magkasama sa set, unti-unting naging malapit ang dalawa sa isa’t-isa.

Hindi nagtagal ay naging magkaibigan si AJ at Aljur, hanggang sa may nabuo na ring pagtitinginan sa kanila. Ibinunyag ito ni AJ sa kanyang exclusive interview sa PEP TV.

Sa kanyang interview, diretsahang inamin ni AJ na nasa getting-to-know stage pa lamang sila ni Aljur.

Natukoy rin ng mga fans na si Aljur nga ang tinutukoy niya noong interviewin siya ni Donnalyn Bartolome noong September. Ayon kay AJ, may isang male personality na nanliligaw sa kanya ngayon.

“Hindi ako magpapakaipokrita. Di na ko magsisinungaling, di na ako magde-deny kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Totoo naman na nag-uusap kami. We understand each other, we care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami,” pahayag pa ng aktres.

Ngunit kahit pa iginiit ni AJ na wala silang label at hindi pa siya ready, mukhang iba naman ang ipinaparating ng mga kilos niya.

Matapos pumutok ang balitang ito ay kumalat naman sa social media ang larawan ng dalawa, kung saan naaktuhan silang magka-holding hands sa isang mall.

Hindi naman mapigilan ng mga netizens na mapa-comment sa mga larawang ito. Ayon sa iba, kahit pa i-deny ni AJ ay kitang-kita naman sa body language ng dalawa na ‘more than friends’ ang turingan nila sa isa’t-isa.

AJ RAval, nakatikim ng sermon sa kanyang ama na si Jeric Raval matapos ang bonding na firing range

Nakatikim ng sermon mula sa kanyang ama si AJ Raval matapos ang kanilang naging father-and-daughter bonding.

Sa kanyang YouTube channel, nag upload ng bagong vlog ang aktres kung saan nakasama niya ang kanyang tatay na si Jeric Raval.

Nag fir!ng ang mag ama sa Delta Lion Shooting Range kung saan nagkaroon sila ng oras na makasama ang isa’t-isa.

Sa nasabing vlog, tinuruan si AJ kung paano humawak ng b4ril. Tinuro din sa kanya ang mga pangunahing safety precautions.

Agad na pinabilib ng aktres ang kanyang ama na action star dahil mabilis agad itong natuto. Sa unang sh0t niya, malapit ito sa center point.

Habang ang pangalawa at pangatlo naman ay naka “one hole” o dalawang bal4 pero iisa lang kanyang natamaan.

Pinuri siya ng nagturo sa kanya maging ang mismong may ari ng Delta Lions Firing Range na nakasama din sa kanyang training.

Pero ang pinaka highlight dito ay na sa dulo ng vlog.

Bagamat proud si Jeric dahil madali siyang natuto, nakatikim pa din ng sermon ang 20-year-old aktres.

 

“Ito ba uniform mo?” tanong ni Jeric sa kanyang anak. Sinabihan niya ito na dapat ganoon ang mga suot ni AJ.

Mahilig kasi mag suot ang dalaga ng mga sando at croptops sa kanyang vlog. Ito siguro ang sinasabi ng kanyang ama.

The post Di pa Daw Ready? AJ Raval at Aljur Abrenica, Naaktuhang Magka-Holding Hands sa Mall Matapos i-Deny ang Relasyon! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments