Tila may bagong tawag ang mga netizens ngayon sa actor na si Aljur Abrenica matapos umamin aminin ni AJ Raval ang tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
Usap-usapan ngayon sa social media sina Aljur Abrenica at AJ Raval. Ito ay matapos aminin ng actress ang tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ni Aljur.
Sa exclusive interview ni AJ sa PEP.ph, sinabi nito na nasa getting to know each other stage na sila ni Aljur ngayon.
Inamin din niya na madalas din silang magkasama at magkita ng actor. Ngunit nilinaw niya na wala pa silang relasyon.
Si Aljur din ang tinutukoy ni AJ na kaniyang manliligaw na boyfriend material umano sa vlog ni Donnalyn Bartolome.
Samantala, nananatili namang tahimik tungkol dito si Aljur habang si AJ ay hayagan namang inamin sa publiko ang tungkol sa namamagitan sa kanila ng actor.
Maraming mga netizens ang ikinabit ang mga larawan ni Aljur habang nagkakape sa isang video ni AJ na ipinakita ang hitsura ng binata ng kaniyang kwarto. Malaki kasi ang pagkakahawig nito sa larawan ng actor.
Tugman din sa mga intrigang kinasasangkutan ng dalawa sa mga larawan at video na ibinahagi ni Xian Gaza.
Kaya naman ang mga netizens ay binansagan si Aljur na ‘tirador ng mga anak ng action stars’. Ito ay dahil kakahiwalay lamang ng actor sa kaniyang asawa na si Kylie Padilla na anak naman ng action star na si Robin Padilla.
Samantala, si AJ ay anak naman ni Jeric Raval, isang sikat na action star noong 90s.
Marami pa nga sa mga netizens ang nagbiro at sinabi na baka si Grace Poe na anak ni Da King FPJ naman ang isusunod ni Aljur.
Narito ang mga komento mula sa mga netizens:
“Kabahan na mga anak ni cesar montano gigil moko aljur! Letche ka!”
“Know the difference of “Boyfriend material” and “Husband material” jusko Aj kalma mo yan may mas deserving pa sayo, sira lang career mo dyan.”
“nako Grace Poe , magtago ka na ikaw yata isunod”
“Lupit ni aljur.. Mga babaerong tatay din ang ginagantihan”
AJ Raval at Aljur Abrenica, usap-usapan ngayon na may namomoong relasyon matapos isiwalat ng internet sensation na si Xian Gaza

Mas naging matindi ang usapin tungkol sa relasyon diumano nina Aljur Abrenica at AJ Raval.
Isang blind item ang inilabas kamakailan ni Xian Gaza. Tungkol sa isang male actor na kakahiwalay pa lang daw sa asawa. Pero may hinatid na aktres sa taping at bali-balitang lagi umano itong tambay sa bahay ng babae.

Naging usap-usapan naman ito ng mga “Marites” sa social media. Hanggang sa ibinunyag din ni Gaza kung sino ang nasa blind item niya.

Ang tinutukoy na aktor ay si Aljur Abrenica at promising se’xy star na si AJ Raval pala ang mga dawit sa issue.

At mas tumindi pa ang tsismis ng magpost si Xian ng screenshot ng mga video na makikitang magkasama sina AJ at Aljur.
Sa nasabing screenshot, spotted si Aljur sa isang restaurant kasama ang aktres na si AJ Raval.
At mas lalong tumindi ang umuugong na balita ng muli ay mapagtugma ng marami ang latest photo ni Aljur. At ang dating vlog ni AJ.

Usap-usapan kasi ng mga “Marites” sa social media kung sino ang taong kumuha ng shot sa isa sa litrato ng hunk actor na si Aljur Abrenica, habang siya ay topless, may hawak na mug, at tila nag-eemote sa ilalim ng isang mayabong na puno, sa tapat ng bintanang may itim na rehas.
Kaya naman kumalat kaagad sa TikTok ang video ni AJ Raval mula sa kaniyang vlog na may pamagat na ‘Cleaning my Room’ noong May 18.

Kung saan makikitang nagwawalis-walis si AJ, at maya-maya ay ipinakita ang view sa labas ng kuwarto.

Makikitang tila magkapareho umano ang ipinakita niyang view sa labas ng bintana. Sa pinuwestuhan ni Aljur, sa kaniyang latest photo.
Narito ang nasabing video comparison:
The post Netizens, Binansagang “Tirador Ng Mga Anak Ng Action Stars” Si Aljur Abrenica appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments