Ang panliligaw ay isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino. Ito ay isang panunuyo ng mga lalaki sa mga babae upang hingin ang kanilang puso na maging isang kasintahan nila. Hindi din biro ang mga pinagdaanan ng mga kalalakihan para lamang makuha ang matamis na oo ng isang babae, lalo pa noong unang panahon.
Syempre, sa lahat naman ng mga manliligaw ng isang babae, isa lang dapat ang maaari niyang sagutin at maaari din siyang tumanggi sa mga panunuyo nito.
Ngunit, paano kung sobrang ganda mo at mga nagagwapuhan ang mga nanliligaw sayo? Paano ka nga ba pipili sa mga ito.

Para sa actress na si Sunshine Cruz, marami daw ang nanligaw sa kaniya noon, hindi lamang mga ordinaryo o simpleng mga lalaki, kung hindi mga gwapo at bigatin pang mga personalidad!

Isa na nga sa mga personalidad na na-busted ni Sunshine ay ang batikang actor na si Joko Diaz. Kahit pa man daw na-busted niya ang actor, bumawi naman si Sunshine dito sa pamamagitan ng pagpapakilala niya dito sa kaniyang kaibigan na siyang naging kasintahan ni Joko. Sinabi din ni Sunshine na kaibigan niya ang kasalukuyang asawa ni Joko.
Sumunod naman ay ang actor na si Tonton Gutierrez. Nagpa-tattoo pa daw noon si Tonton ng pangalan ni Sunshine sa kaniyang dibdib upang mapatunayan niya ang pagmamahal niya sa actress. Pumayag naman daw si Sunshine na magpaligaw sa kaniya ngunit kailangan ng actor na maghintay para sa kaniyang sagot. Ngunit, dahil sa abala si Sunshine sa trabaho noon ay hindi niya sinagot si Tonton at mas pinagtuunan ng pansin ang kaniyang showbiz career.


Ang pangatlo ay comedian-singer na si Keempee de Leon. Ang TV host ang pinakamaraming beses na nanligaw kay Sunshine. Ayon kay Sunshine, niligawan daw siya ni Keempee ng apat na beses. Ngunit, hindi natuloy ang kanilang ugnayan sa pagiging magkasintahan kahit pa man napakabuti daw na tao nitong si Keempee.
Ang pang-apat ay si Kier Legaspi. Sa kabila ng pagiging makisig ng actor, hindi daw siya ang type noon ni Sunshine.

At ang ikalima naman ay si Raymart Santiago. Ayon kay Sunshine, sa lahat daw ng mga personalidad na nanligaw sa kaniya ang pinakanagustuhan niya daw ay ang actor na si Raymart Santiago.

Sa katunayan nga nyan, nagkaroon pa ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Raymart at Keempee. Sinasabi daw kasi ni Keempee na siya ang unang nanligaw kay Sunshine.
Tugon naman ni Raymart, may karapatan pa din siyang manligaw kay Sunshine dahil hindi pa naman siya nobyo ng actress.

Ayon kay Sunshine, napaka-gentleman daw talaga ni Raymart ngunit nagkaroon lamang ng problema dahil sa tuwing lalabas daw sila ay napakarami nitong kasama.
Sa huli, inamin ni Sunshine na si Cesar Montano ang naging kauna-unahan niyang nobyo. Para sa kaniya, hindi naman daw niya pinagsisihan na si Cesar ang naging tatay ng tatlo niyang anak na babae.
Mga Celebrity Na Sikat Noon Na Ngayon Ay Naghihirap Na!
Ang pag-aartista ay tulad ng gulong ng buhay. Minsan ay nasa taas at minsan naman ay nasa baba. Minsan silang nakatikim ng kasikatan at talagang nagniningning ang kanilang mga bituin sa showbiz noon. Sa di malaman na dahilan, dumaan sa mga artista na ito sa paghihirap matapos nilang makamit ang kasikatan sa showbiz.
Kilalanin natin ang mga artistang sikat noon na naghihirap na ngayon
Jake Zyrus
Si Jake Zyrus o dating kilala bilang Charice Pempengco ay isa sa pinaka kilala at magaling na mang-aawit sa bansa. Dahil sa kaniyang husay pagdating sa pag-awit, hindi lamang nakilala si Charice sa bansa kundi pati na din sa ibang bansa.
Ngunit, sa kasagsagan ng kaniyang kasikatan ay inamin ni Charice sa publiko ang tungkol sa tunay niyang pagkatao. Matapos ang ginawang pag-amin, napagdesisyunan ni Charice na tuluyan ng palitan ang kaniyang pisikal na kaanyuan at maging isa ng ganap na lalaki. Maging ang kaniyang pangalan ay pinalitan din niya ng Jake Zyrus.
Halos lahat ng mga pera na naipon at pag-aari ni Charice ay naubos dahil sa malaking halaga ng pera na kinailangan niya para sa kaniyang operasyon.
John Wayne Sace
Si John ay isang aktor at dancer na kasapi sa Star Magic ng ABS-CBN. Sumikat siya ng napasama sa ASAP boy dance group na ‘Anime’ kasama sina Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Mhyco Aquino, Sergio Garcia, Emman Abeleda, at Mico Aytona.
Marami na ding teleserye at pelikula na nagawa si John katulad ng ‘Pintakasi’, ‘Spirits Reawaken’, ‘Dekada 70’, at ‘May Bukas Pa.’
Si John ay pinalaki ng kaniyang lolo at lola habang ang kaniyang pamilya ay naninirahan sa Estados Unidos. Si John ay mayroong isang anak ngunit hiwalay na siya sa kaniyang asawa.
Matapos ang tagumpay bilang teen idol, naging matamlay ang career ni John dahil sa ilang isyu. Noong Oktubre 2016 ay napabilang siya sa isang pamamar1l sa Pasig. Siya ay naging bahagi din sa dru6 watchlist ng Pasig City Police dahil sa kaniyang paggamit ng il3gal na dr0ga.
Nawalan ng show at pagkakakitaan si John dahilan para kailanganin niyang pasukin ang iba’t ibang uri ng trabaho katulad ng delivery boy, taga bantay ng computer shop, at iba pa.
Ngayon ay unti unti ng bumabangon at inaayos ni John ang kaniyang buhay. Ninanais niya na mabigyan muli ng pagkakataon na mabalik muli sa showbiz.
BB Gandanghari
Si BB Gandanghari ay isang transgender actor, model, erntertainer, comedian, at director. Siya ang nakakatandang kapatid ng aktor na si Robin Padilla ay nakababatang kapatid nina Royette Padilla at Rommel Padilla.
Si Gandanghari na noon ay kilala bilang Rustom Padilla ay nagtamasa ng tagumpay sa mga pelikula mula umpisa noong 1990 hanggang 2001. Bumalik siya sa katanyagan noong 2006 nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition.
Noong 2009 ay isiniwalat niya na siya ay isang transgender na babae at pinalitan ang kaniyang pangalan na BB Gandanghari. Taong 2016 nang magpa-rehistro siya sa pangalan na BB Gandanghari. Nagpalit din siya ng kasarian sa pagiging babae sa Orange County Court House sa California, USA,
Nakipagsapalaran siya sa Amerika para sa pangarap niya na maging Hollywood star. Ngunit dahil sa tindi ng kumpetisyonsa Hollywood ay hindi siya pinalad. Kung noon ay laging laman ng balita si BB dahil sa kaniyang paglalantad at pagbabago ng kaniyang hitsura ngayon ay wala ng balita ang publiko kung ano na ang nangyari sa kaniya dahil wala na din itong mga show sa Pilipinas.
Ngunit, ayon kay Robin, nagtatrabaho ngayon si BB bilang Uber driver sa U.S.
Mystica
Si Mystica ay isa sa mga kilalang personalidad noon sa showbiz industry. Siya ay unang nakilala ng publiko dahil sa husay niya sa pag-awit. Halos nasa P150,000 ang kinikita niya noon kada buwan sa kaniyang mga proyekto, gig, shows, at iba pa. Bukod pa diyan, siya ay nagmamay-ari din ng hotel at ilan pang mga pag-aari.
Ngunit, nito lamang ay inamin ni Mystica na siya ay nakakaranas ngayon ng hirap ng buhay. Lahat ng mga pag-aari at mga naipon niya ay nawala na kaya naman siya ay humihingi ng tulong sa kaniyang mga kapwa artista.
Deborah Sun
Si Deborah Sun o Jean Louise Salvador sa tunay na buhay isa sa mga sikat na artista noong 80s. Ilan sa kaniyang mga pelikula ay talagang tumatak sa mga manonood tulad ng ‘Pasan Ko Ang Daigdig’ at ‘Temptation of Island.’
Siya ay nasangkot sa il3gal na dr0ga at kinasuhan ng estafa. Naaresto ng tuluyan si Deborah dahil sa mga tumalbog na cheque at tuluyang nakulong. Ngunit ilan lamang yan sa pinagdaanan ni Deborah.
Taong 2015 nang umamin siya sa isang panayam na talagang naghihirap na siya ngayon. Dumaan pa siya sa matinding problema nang ang anak niya ay nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Ngunit ito ay itinanggi ni Deborah at sinabi na dumadaan lamang ang kaniyang anak sa matinding depr3syon.
John Regala
Si John Regala ay isang artista, ministro ng Kristiyano, at environmentalist. Pumasok si Regala sa showbiz at naging isang teen member ng ‘That’s Entertainment.’ Kilala si Regala bilang kontrabida sa mga pelikula at teleserye, lalo na noong 90s. Dito siya sumikat at minsan na ding binansagan bilang ‘Bad Boy’ sa mga action films.
Natigil ang kaniyang career sa showbiz dahil sa matinding pang-aabuso ng dr0ga. Kalaunan ay nagpunta siya sa dru6 rehabilitation center at naging isang born again Christian. Pagkatapos noon ay naging isa siyang ministro ng Kristiyano. Makalipas ang isang taon, nagpasya siyang maging miyembro ng Iglesia ni Cristo.
Nang tuluyang maubos ang kaniyang pera at ari-arian, nanawagan si Regala kay Coco Martin para mabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho at mapasama sa teleserye na ‘Ang Probinsyano’.
The post Ito Pala Ang Mga Sikat At Gwapong Actor Na Nanligaw Ngunit Nabusted Ng Magandang Actress Na Ito appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments