Looking For Anything Specific?

Mura hindi pinagbayad ng kanyang naging doktor ang kanyang check-up at gamot

Muling binisita ni Virgelyncares si Allan Padua o mas kilala bilang si Mura upang kanyang kamustahin kung ano na ang kalagayan ngayon ng dating komedyante. Ayon sa naging pag-uusap nila ng vlogger na si Virgelyn sinabi ni Mura na mayroon na siyang nararamdaman ngayon sa kanyang baga na tila papunta na sa sakit na pneumonia.

Dahil na rin sa takot na kanyang naramdaman sa biglaang pagkawala ng kanyang dating ka-loveteam na si Mahal kaya ninais niya talaga na maagapan ang kanyang nararamdamang sakit. Kaya naman pinalakas ng vlogger ang kanyang loob at huwag iisipin na mangyayari sa kanya ang sinapit ni Mahal. Ibinahagi rin ni Mura na siya ay naninigarilyo noon kaya raw naapektuhan ang kanyang baga.

Sa tulong na rin na ibinigay ng Virgelyncares dinala si Mura sa isang clinic upang ipacheck-up ang kanyang kalagayan. At mapapansin pa rin ang hirap niya sa paglalakad na dulot nga ng kanyang aksidente noon.

Ayon sa Doktor na tumingin kay Mura mayroon nga raw talagang sakit na pneumonia si Mura at binigayn din siya nito ng gamot kung saan pang batang gamot ang binigay sa kanya imbis na pang matanda dahil baka raw ay ma-overdose daw ito.

Samantala, hindi naman na pinagbayad si Mura ng doktor na nag check-up sa kanya at binigyan pa siya ng gamot na hindi rin siya pinagbayad. Ayon sa doktor, tulong na raw niya ito sa dating komedyante.

Kwento pa ni Mahal, busy daw kasi ang taong nangakong tutulungan siya sa kanyang pagpapagamot kanya naman lumapit na lamang siya kay Virgelyncares upang siya ay makapagpa-gamot kaagad. Hindi rin kinaligtaan ng vlogger na bigyan ito ng tulong pinansyal para sa pang araw-araw nitong gastusin lalo higit ang kanyang gamot.

Kahit hindi na napapanood sa telebsyon ngayon si Mura, nakapag-invest naman siya ng kanyang sariling lupain kung saan kahit papaano nakakatulong ito sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Komedyanteng si Mura, tinamaan ng sakit na pneumonia, natatakot matulad sa sinapit ni Mahal

Nangangamba ngayon ang dating komedyante na si Mura o Allan Padua sa tunay na buhay.

Lumabas na nga ang resulta ng checkup ni Mura. At ayon dito ay mayroon na ding pneum0nia ang komedyante.

Ipinakita nila ang findings ng doktor sa kanyang checkup few days ago sa YouTube vlog ni Virgelyncares 2.0.

Ang vlogger na siya ring tumulong kay Mura noon at ipinakitang paika-ika itong nagsasaka sa Bicol. At magmula nga noon ay binabalik balikan na niya si Mura upang kamustahin ang kalagayan nito.

Sa nasabing vlog, lumabas na kinontak ni Mura si Virgelyn para humingi ng tulong sa kanyang pagpapa-checkup. Hindi pa daw kasi siya kino-contact ng taong nangako ng tulong medikal sa kanya.

Ayon kay Mura, naaalala raw kasi niya ang sinapit ng kaibigan niyang si Mahal na namaalam dahil sa pneum0nia at nauwi sa C0’VID.

Kaya minabuti na niyang magpatingin sa doktor para maagapan kung anuman ang sakit niya.

“’Yung baga ko nga kasi may pumupulupot na parang ulap, ganu’n. Papunta daw sa pneumonia ba yon?” kuwento ni Mura. “Naalala ko kasi si Mahal, wala na. So, sana maagapan…” nag-aalalang pahayag pa niya.

Kinamusta naman ni Virgelyn ang paghinga at pakiramdam ngayon ni Mura.

“Nahihirapan nga, eh. Parang may plema dito sa dibdib.

“Ang gamot na iniinom ko ubos na, eh. Gusto kong ma-continue ba ang pag-inom kung anong klaseng gamot para mabilis gumaling,” sagot naman ng komedyante.

Aminado rin si Mura na bagama’t hindi siya umiinom ng alak ay nagkaroon umano ng time na nalulong siya sa paninigarilyo.

Sa inilabas na resulta ng doctor tungkol sa checkup ni Mura ay nakumpirmang meron talaga itong pneum0nia.

Bukod doon, normal naman daw ang puso nito at iba pang vital organs. Wala ring naging abnormalities sa kanyang bones kahit napilayan siya noon dahil sa isang aksidente.

The post Mura hindi pinagbayad ng kanyang naging doktor ang kanyang check-up at gamot appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments