Looking For Anything Specific?

Kabaong ng ama ni Gladys, na nagkakahalaga ng P650,000, regalo ng kamag-anak na may-ari ng funeral parlor!

Hanggang sa huli ay ipinakita ni Gladys Reyes kung gaano niya kamahal ang kanyang ama.

October 25, ng mamaalam ang ama ng Kapuso actress. Ito ay dahil sa multiple 0r6an failure.

Inakala ng pamilya ni Gladys ay survivor na ang kanyang ama ngayong may pandemya. Ngunit laking pasalamat din nila na negative ito sa c0’vid.

Samantala, bilang Papa’s girl at panganay na anak, ipinangako ni Gladys na bibigyan niya ng magandang exit ang ama.

“Sabi ko sa Papa ko, bigyan ko siya ng grand exit,” pahayag ng aktres.

 

At tinupad nga ito ng aktres at sa tulong na din ng kanilang mga kamag-anak.

Plano sana ni Gladys na palitan ang kaba0ng ng kanyang ama at magdadagdag siya ng 200 thousand pesos.

Pero laking pasasalamat niya ng tawagan umano siya ng kanilang kamag-anak na may ari ng funeral parlor.

Ayon sa report ng PEP.ph, nakausap nila ang aktres at ibinahagi nito na nagkakahalaga ng 650 thousand pesos ang ineregalong kaba0ng para sa kanyang ama.

“Alam mo, Kuya Gorg, bigla naman tinext ako ng kamag-anak namin. Taga-Pampanga siya, may funeral parlor.

“In-offer nila ang kaba0ng galing sa U.S. Nag-unboxing daw sila, ipinadala sa Viber ko ang picture ng coffin, ang ganda! Worth 650K pala yun, regalo na raw nila kay Papa. Di ba? God is good!

“Hindi ko na kailangang gumastos ng malaki, kasi dumadating na mga blessings,” pagbabahagi pa ni Gladys.

Tinulungan din si Gladys ng Mayor ng Antipolo para naman sa lupang paglalagakan ng kanyang ama.

Gladys Reyes, nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na ama!

Kilala ang seasonal actress na si Gladys Reyes, dahil sa kahusayan nitong gumanap ng mga kontrabida roles. Tinangkilik siya ng mga manonood magpa hanggang ngayon. Naging bukas naman sa publiko ang buhay may pamilya ngayon ng aktres. At kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Gladys sa kanyang Instagram ang isang malungkot na pangyayari ngayon sa kanilang buhay.

Source:IG/iamgladysreyes

Ito ay dahil ang kanyang pinakamamahal na ama na si Sonyer Reyes ay nilisan na ang buhay. Noon lamang October 25, ay kinumpirma ng actress ang malungkot na balita. Nagbahagi ang aktres ng isang larawan kung saan madalas niyang ka-duet sa kantahan ang kanyang ama. Sa kanyang caption na, “Magkikita tayo muli sa bayang banal, Pa.” Ayon kay Gladys, pumanaw ang kanyang ama dahil sa multiple organ failure.

Source:IG/iamgladysreyes

Sa kanyang post, “Thank you, Pa. I will always be a Papa’s girl!” she added. “Mission accomplished.” Sa isang magkahiwalay na post ng aktres, makikitang nagbahagi siya ng isang larawan kung saan hawak-hawak niya ang kanyang ama.

Sa kanyang caption, “Pa, see you later,” “Mahal na mahal ka namin!”

Source:IG/iamgladysreyes

Matatandaan na noon lamang January, sinabi ni Gladys na inatake ang kanyang ama ng heart attack. Ayon pa sa kanya, isinugod nila noon ang kanyang ama sa ospital nang ito ay nagdaing ng severe chest pains.

Aniya, “Thanks to our dear God, my father was able to recover, as if nothing happened. But the doctors confirmed, he had an attack.”

“I am a certified Papa’s girl and what saddens me is that we are not allowed to visit him, according to the hospital rules, due to pandemic,” she continued. “Kept telling him, his grandchildren need him, to help us, guide them. To spend more bonding moments with him.”

Source:IG/iamgladysreyes

Ika pa niya, “From angiogram this morning to angioplasty now. I was called by the doctor to make an important decision after they saw in angiogram it doesn’t look good, since I’m the ‘panganay’ and my mama is a senior and not allowed in the hospital. After consulting the family, I had to decide.”

Dagdag pa niya, “Doctors explained the risks and I prayed hard. I know God is in control.”

Source:IG/iamgladysreyes

“Nakakapanibago lang wala kang karamay sa tabi mo because of strict safety protocols which I understand, I just can’t help to feel a bit emotional but I know I’m not alone, God is with me.”

Nagbigay naman ng pakikiramay ang kanyang mga kaibigan na celebrities na sina Coney Reyes, Angelika deal Cruz, Tina Paner, Camille Prats, Ara Mina, Sherilyn Tan, Lee O’Brian, Mikey Bustos, Rhea Santos, at Jennifer Sevilla.

The post Kabaong ng ama ni Gladys, na nagkakahalaga ng P650,000, regalo ng kamag-anak na may-ari ng funeral parlor! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments