Looking For Anything Specific?

Lalaki na pinagtatawanan sa pagbubutas ng kundol, ginaya na ng marami matapos malaman malaki kinikita nito araw-araw


Ang tao ay may iba’t ibang paraan nga naman sa kanilang mga diskarte kung paano sila makakapag trabaho at kikita. Minsan ang mga hindi pang karaniwang imbensyon ay ang siyang mas tinatangkilik at bumebenta.

Kagaya na lamang ng isang lalaking ito na may ginawang kakaibang panghuli ng lamang dagat.

Ang kundol o ang winter melon ay kadalasang iniinom at kinakain dahil dito, inakala ng ilan na siya isa lamang batang naglalaro ng kaniyang imahinasyon. Ngunit pinatunayan niyang may silbi ang kaniyang imbensyon.

Una muna ay ginawa niya ang lambat na gawa sa kundol.

-Hinati nya ang winter melon sa magkabilang gilid nito.
-Nag ukit sya ng tatlong hugis bilog sa katawan ng winter melon.
-Nilagyan nya ng colander or hugis embudong net sa tatlong butas.

-Tinalian nya ang gilid ng colander gamit ang alambre upang hindi ito mahulog.
-Tinusukan nya ng bamboo stick ang magkabilang gilid ng winter melon upang hindi makalabas ang mahuhuli nyang lamang dagat/ ilog.

Iniwan niya munang saglit ang imbensyon sa ilog. Maya- maya ay binalikan ito. Higit pa sa kaniyang inaakala ang kaniyang nahuli dahil puno ito ng mga talangka at lobster o crayfish.

Dahil dito, ito na ang kaniyang naging hanap- buhay. Kumikita siya ng malaki sa loob lamang ng isang araw. Ang dating pinagtatawanan, ngayon ay mayroon nang pinagkakakitaan.

Nais niya ding tumulong sa iba pa niyang kababaryo kaya nagdesisyon siyang turuang gumawa ang mga ito.

Ano man ang iyong naiisip na gawin, huwag mong hayaang pigilan ka ng mga bibig na tumatawa. Ipagpatuloy mo basta’t wala kang inaapakang iba.

Post a Comment

0 Comments