Muling napatunayan ng ating kababayan ang galing ng isang Pinoy nang makakuha ng top price sa Royal Institute of Chartered Surveryors’ (RICS) Cities ang 23-year-old na engineer na si Earl Patrick Forlales mula sa Manila.
Siya ay nanalo lang naman ng nag kakahalagang $50,000 o mahigit sa Php3.3 milyon. Ang kaniyang talento at dedikasyon ang kaniyang naging puhunan upang makagawa ng isang obra at ito ay ang kaniyang disenyo sa loob lamang ng apat na oras.
Hindi lang kagandahan ang kaniyang inisip maging ang budget na gagamitin dito ay may mababang halaga para sa housing unit.
Ang kaniyang disenyo ay tinawag niyang “CUBO” pagkat ito ay gawa sa kawayan at posibleng mayari ito sa loob lamang ng apat na oras.
Tinatayang P3,000 lang ang kabuuang magagastos dito na talaga namang murang mura para sa square meter.
Pahayag niya, “It’s a functional home on its own, but it’s more than just a house. It’s designed to turn community waste into energy and other valuable resources.”
Dagdag pa niya, “as it releases 35% more oxygen than trees and can be harvested annually without causing soil degradation.”
Hindi lang daw basta basta ang materyales nito at ang kalidad ng kawayan ay sampung beses ang itatagal kaysa sa iba.
Pahayag niya, ito daw ay pwedeng maging solusyon para sa patuloy na pagtaas ng mga informal settles sa Manila.
“With the Government’s Build Build Build program there will be more construction workers coming into the city… We want our workers who are producing our high-rise multi-storey level buildings to have dignified housing of their own.” Saad niya
Taong 2023, pinaplano niyang gumawa ng nasa 10,000 housing units. Balak din niyang mag tayo ng isang prototype model at doon ilalaan ang perang napanalunan na ipapakita niya sa mga investors.
0 Comments