Looking For Anything Specific?

May Basbas nga ba? Kylie Padilla, ‘Unbothered’ Daw sa Relasyon ni Aljur at AJ Raval?

Nilinaw ni Kylie Padilla na walang issue sa pakikipag-date ni Aljur Abrenica sa iba. Ito’y matapos pumutok ang balita na nililigawan ni Aljur ang kanyang ‘Nerisa’ co-star na si AJ Raval. Ayon kay Kylie, ilang buwan na rin silang hiwalay ng kanyang mister, kaya naman hindi na siya nakikialam sa buhay nito o kung sino man ang karelasyon nito ngayon.

Tinuldukan rin ni Kylie ang mga alegasyon na si AJ Raval ang third party sa kanilang relasyon. Ayon sa aktres, bago pa man manligaw si Aljur sa Viva starlet ay hiwalay na sila.

Nilinaw rin ni Kylie na April pa lamang ay hindi na sila nagsasama. July 2021 naman nang ikumpirma ito ng ama niyang si Robin Padilla.

“There is no issue. We separated April pa, and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this. I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left,” paglilinaw pa ng aktres.

Bukod pa dito, pinasalamatan rin ni Kylie ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya. Ang tanging priority niya lamang sa ngayon ay ang kanyang mga anak. Matatandaang lumipat na rin siya ng tahanan, at tuluyan na niyang ibinenta ang family home nila ni Aljur.

Sa kabilang banda, inamin naman ni AJ na nanliligaw na sa kanya si Aljur. Ayon sa 26-anyos na aktres, ‘boyfriend material’ si Aljur, at lagi nitong pinapadama sa kanya na special siya. Ilang beses na ring namataang magkasama sa publiko ang dalawa.

“Hindi ako magpapakaipokrita. Di na ko magsisinungaling, di na ako magde-deny kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Totoo naman na nag-uusap kami. We understand each other, we care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami,” pahayag pa ng aktres.

Kylie Padilla, tapat na inaming naka-move on na sa hiwalayan nila ng asawang si Aljur Abrenica

Kylie Padilla, naka moved on na nga ba sa hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Aljur Abrenica?

Tila masaya na ang Kapuso actress ngayon matapos ang ilang buwan na mapabaluta ang hiwalayan nila ni Aljur.

Sa most recent interview niya sa 24 Oras kay Lhar Santiago, madami ang nakapansin na naka ngiti at blooming na muli ang aktres.

Ayon kay Kylie, masaya na daw talaga siya ngayon at nakapag adjust na rin siya at ang kanyang mga anak sa kanilang nilipatang bahay.

“I mean, puwede naman sabihin na ‘I’m happy’ just for the sake of it. Pero I’m really, really happy now, masaya talaga ako,” giit ng aktres.

Bukod dito, maganda din daw ang naidulot sa kanya ng kanyang new project.

“Especially after this project na sinasabi ko nga, naging therapy siya in a way to get through I was going through. But now I feel happier talaga,” pagbabahagi ng mom of two.

Ang mas nakakatuwa pang sabi ni Kylie, “I’m at peace now than I was.”

Matagal din hindi nakagawa ng pelikula ang aktres kaya naman super excited siya sa upcoming movie niya na BetCin.

Makakasama niya dito ang isa pang Kapuso aktres na si Andrea Torres.

Kamakailan lang, pina-wow ni Kylie ang kanyang nga fans dahil sa kanyang fiercer new look.

The post May Basbas nga ba? Kylie Padilla, ‘Unbothered’ Daw sa Relasyon ni Aljur at AJ Raval? appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments