Looking For Anything Specific?

Toni Gonzaga, May Matinding Rebelasyon Tungkol Kay Paul Soriano Na Ikinagulat Ng Marami

Matapos ang higit limang taong pagsasama, inamin ni Toni Gonzaga na hindi na siya kinikilig sa kaniyang asawa na si Direk Paul Soriano.

Isa si Toni Gonzaga sa mga respetadong actress sa larangan ng showbiz. Sa kaniyang dalawang dekada sa industriya, pinatunayan ni Toni ang kaniyang galing sa larangan sa pag-arte, pagkanta, at hosting. Bukod pa sa kaniyang matagumpay na career, pinagpala din si Toni pagdating sa kaniyang love life.

Noong 2015 ay ikinasal si Toni kay Direk Paul Soriano. Bago pa man ang kanilang kasal, ilang taon na din na naging magkasintahan ang dalawa.

 

Ayon kay Toni, dati pa man ay alam na niyang si Paul ang natatangi para sa kaniya. Nabiyayaan din ng isang anak ang celebrity couple. Sa isang interview kay Boy Abunda, nag-open up si Toni tungkol sa buhay mag-asawa nila ni Paul Soriano.

Ayon kay Toni, mas lumalim daw ang pagtitinginan nilang dalawa matapos ang limang taong pagsasama. Mas nakilala din nila ang isa’t isa matapos silang magsama sa iisang bubong bilang mag-asawa. Pero sa kabila ng lahat, aminado naman si Toni na hindi na siya masyadong kinikilig sa kaniyang asawa.

 

Nang tanungin ni Tito Boy kung bakit, inamin ni Toni na mas tumaas ang respeto niya sa kaniyang asawa. Saad pa ng actress-TV host ay hindi na umano siya kinikilig kay Paul dahil mas mataas ang admiration at respeto nito sa asawa matapos ang limang taon nilang pagsasama.

Dahil dito, hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming fans ang talagang namamangha sa pagsasama nila. Bukod sa pagiging mabuti at mapagmahal na magulang kay Sevi, hindi din maipagkakaila na maayos ang buhay mag-asawa ni Toni at Paul.

 

Sa katunayan, hindi din sila nasasangkot sa mga kontrobersiya. Kaya naman maraming fans ang laging nakasubaybay sa kanilang buhay. Marami din ang laging nag-aabang sa mga updates ni Toni sa kaniyang YouTube channel kung saan ipinapasilip niya ang kanilang buhay pamilya.

Toni Gonzaga, may mensahe sa kanyang mga bashers matapos siyang batikusin sa naging panayam kay dating Sen. Bongbong Marcos: “I have nothing hide”

Kilalang-kilala si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano o mas kilala bilang si Toni Gonzaga bilang isang magaling na aktres, TV-host, producer, vlogger, at entrepreneur. Maraming tao ang sumubaybay sa kanyang mga naging tagumpay sa kanyang karera sa showbiz. Ngayon ay tila nagiging kontrabersyal ang TV-host at aktres, dahil sa kanyang naging panayam kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Source: Youtube/ Toni Gonzaga Studio

Kamakailan nga lamang ay nagkaroon ng interview si Toni kay dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang YouTube vlog na ‘Toni Talks’. Ngunit, ang naging panayam na ito ay inulan ng batikos sa social media na ‘Twitter’.

Ayon sa mga bumabatikos ngayon kay Toni, binigyan daw niya ang dating Senador ng pagkakataon para magpakalat ng propaganda tungkol sa kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Source: Youtube/ Toni Gonzaga Studio

Dahil dito maraming netizens ang umalma sa kanyang naging vlog na ito, dahil dagdag pa ng iilan ay tila ginamit ni Toni ang kanyang social media platform upang muling balikan ang mga hindi magandang pangyayari sa bansa noon sa ilalim na dictatoryal na pamahalaan ng dating Pangulong Marcos, lalo na ang mga nangyari sa naging biktima ng Martial Law.

Kaya naman maraming ang bumatikos kay Toni dahil dito. Kagaya na lamang ng mga komentong ito.

“This isnt about her giving a platform for different political parties to be neutral, lol. inviting bongbong marcos to talk positively about his father is toni gonzaga actively participating in historical revisionism. let’s not pretend otherwise.”

Source: Youtube/ Toni Gonzaga Studio

“Dapat may portion na “Oh my goodness ungkatan ng past” dun sa interview ni Toni Gonzaga kay BBM kung saan kilala ang pamilya nila. Why give that man a platform?”

Samantala, sa kabila ng pagbabatikos kay Toni ay nagbigay naman ito ng mensahe para sa kanyang mga kritiko.

Pahayag ni Toni, “I’ve reached a point in my life where I realized that other people’s perception of me is not my responsibility anymore. Na parang pag sinabi sa akin ng isang tao na one plus one equals 10, I’ll just tell that person yes you’re correct, you’re right. ara whatever judgement or assumption they have of me I feel like I don’t have anymore, the need to explain, to prove, to defend and to hide. Because I have nothing to hide, I have nothing to defend, I have nothing to prove, I have nothing to explain to anybody because I know who I am deep inside.”

The post Toni Gonzaga, May Matinding Rebelasyon Tungkol Kay Paul Soriano Na Ikinagulat Ng Marami appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments