Looking For Anything Specific?

Netizens, napa sana-all nalang sa newly-wed couple na ito dahil sa P1-Million na pasabit ng kanilang lola

Talagang mapapa sana all ka na lang sa natanggap na ‘pasabit’ ng bagong kasal na ngayon ay viral na online.

Isang milyong piso ang isinabit ng isang lola sa bagong kasal niyang apo sa Quezon kamakailan.

Base sa viral video ngayon sa Facebook, nagulat ang lahat nang sa gitna ng first dance ng bagong kasal. Ipinasok ni Lola Adelina ang isang maleta na naglalaman ng daan-daang isang libo na pinagdikit-dikit.

Tinulungan naman siya ng mga kaanak niya na ikabit ang mga “kapa ng salapi” sa bagong kasal niyang apo.

Ayon sa pinsan ng bride, lubos-lubos ang pasasalamat nito sa kanilang lola.
“She’s really grateful for everything that our Lola Deling gave them for their wedding,” aniya.

“(But) it’s not new to her since Lola gave the same amount of money before, on the weddings of her siblings.. So it’s not a surprise to her at all.”

Dagdag pa ng pinsan ng bagong kasal, “That money was really just a BONUS, because numerous lot and businesses were already placed to their names even before they all got married.”

“HINDI NATIN ALAM kung HANGGANG KAILAN ANG BUHAY ni Lola, KALIGAYAHAN nyang magbigay sa mga apo nya o kahit sa ibang tao, punta kayo dito sa pasko para makita nyo ang dami ng taong nakapila sa harap ng bahay nila, kaligayahan nyang magbigay, IPAGKA-KAIT NYO PA BA? SOBRANG MASINOP po si Lola KAYA SYA MARAMING PERA,” pagbabahagi pa nito.

Wala namang namutawi ang mga netizens kundi sana all na lang talaga dahil sa napaka-generous ng lola ng bagong kasal.

Dito sa bansang Pilipinas ay nakaugalian na ang pagreregalo ng pera. Ayon sa mga kasabihan ay isa rin itong magandang paraan upang makatulong sa bagong buhay ng bagong kasal.

Groom tila nakalimot sa araw ng kanyang kasal, nagkaroon ng isang sweet moment sa kanilang bridesmaid

Marami ang kailangan planuhin sa pagpapakasal mula sa maliit na detalye hanggang sa  pinakamalaking parte ng kasalan.

Kaya naman magiging abala ang magpapakasal sa preparasyon pa lamang. Sa kabila ng masusing paghahanda hindi pa din maiiwasan ang mga hindi inaasahang mangyari sa araw mismo ng kasal. May mga nakakatuwa at kakaibang pangyayari sa mga kasalan.

 Source: Aldrin Mat Acero Salazar

 

Tulad na lamang ng bagong kasal isang maikling video clip na ibinahagi ni Aldrin Mat Acero Salazar na ipinost sa Facebook page. Makikita na ang bagong kasal na ito kasama ang entourage ay pinaghahanda para sa pagkuha ng litrato pagkatapos ng seremonyas ng kasal.

Mula sa kanilang official photographer ay nagbigay ng utos na gumawa sila ng isang wacky pose, ngunit ang groom ay aksidenteng nagkaroon ng isang sweet moment sa kanilang bridesmaid na dapat sa kanyang bride.

Mula sa photographer sinabi na kailangan nilang lumapit sa isa’t isa at pagdikitin ang kanilang pisngi. Madami ang natawa ng mapansin ng photographer na nagkaroon ng pagkalito sa groom kung saan aksidente niyang nasandal ang kaniyang ulo sa gawi ng isa sa kanilang bridesmaid.

 Source: Aldrin Mat Acero Salazar

Naging katuwaan sa mga taong nakapansin at kahit ang bride ay napagtanto na nakalimutan niya ang kaniyang groom.

Ang pangyayaring ito ay isa sa mga hindi malilimutang nakakatuwang pangyayari ng bagong kasal at kanilang kamag-anak na nakasaksi.

 Source: Aldrin Mat Acero Salazar

Ang trending na video ay ang talaga namang nagbigay ng saya at tuwa sa ating mga netizens.

Narito ang nakakatuwang video:

Source: Aldrin Mat Acero Salazar

The post Netizens, napa sana-all nalang sa newly-wed couple na ito dahil sa P1-Million na pasabit ng kanilang lola appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments