Looking For Anything Specific?

Popstar Royalty Na Si Sarah Geronimo, Nagdadalang Tao Na Nga Ba?

Mahigit isang taon na ding nagsasama ang Popstar Roysalty at aktres na si Sarah Geronimo at Kapamilya star na si Matteo Guidicelli bilang mag-asawa.

Matatandaan na naging mainit na usapin sa iba’t ibang social media platforms dahil umano sa biglaang pagsugod ng ina ni Sarah na si Mommy Divine sa civil wedding nila ni Matteo noong Pebrero 20, 2020.

Nagdiwang sina Mr. at Mrs. Guidicelli ng isang napakahalagang pagdiriwang para sa kanilang unang anibersaryo ng kanilang kasal bilang mag-asawa.

 

Sa bagong larawan na ibinahagi ni David Milan at ni-repost ni Matteo, makikita ang asawa ni Sarah na nakayakap sa kaniyang tiyan.

Sa isa pang larawan, makikita naman ang dalawa na magkahawak kamay.

Ang mga larawan ay nagbigay naman ng malakas na pakiramdam sa publiko na marahil ang mag-asawa ay magiging isang magulang na para sa kanilang unang anak.

Humihingi naman ang kanilang mga tagahanga ng saloobin ng mag-asawa tungkol sa balitang ito na mas lalo pang umugong nitong mga nakaraang buwan.

 

Nag-post din si Matteo sa kaniyang social media account na may caption na: “(100 emoji).” Kapansin-pansin din ang tila madalas na pagsama ng aktor sa kaniyang asawa sa set.

Ngunit ang mga spekulasyon na maaaring nagdadalang tao na si Sarah ay tinapos na ng isa sa mga matalik na kaibigan ng singer-actress at sinabi na ito ay hindi totoo.

Sa katunayan nga niyan, ayon sa kaibigan ni Sarah, plano ng mag-asawa na magkaroon ng kanilang anak sa loob ng dalawang taon.

 

Hindi din ito ang kauna-unahang pagkakataon na napabalitang buntis si Sarah. Ngunit ito ay pinabulaanan ni Matteo sa isang virtual press conference.

Saad ng aktor,

“Baby plans? I don’t think so. Not yet. We’re just enjoying our time together, after all these years. Hopefully, in the right time.”

Mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, pina-ban ni Mommy Divine sa kanila mismong subdivision

Ang mga usap-usapan sa pagkakasundo sa pagitan ni Sarah Geronimo at ng kanyang ina na si Mommy Divine ay talagang pinag-usapan sa social media, isang taon pagkatapos ng kontrobersyal na kasal ng Popstar Royalty kay Matteo Guidicelli. Ang kasal ng dalawa ay pribadong isinagawa sa Shangri-La sa Fort sa Bonifacio Global City noon lamang February 20, 2020.

Hindi ito dinaluhan ng ina ni Sarah dahil wala umano itong basbas ng ina nito, kaya nagkaroon ng sama ng loob ang kanyang ina sa kanya. Simula ng kanilang isyu, hindi pa rin nag-uusap si Sarah ang kanyang ina.

Ngunit, ganyunpaman ay pino-promote pa rin naman ni Sarah ang negosyo ng kanyang ina bilang tulong na rin nito sa kanyang ina kahit na may sama ng loob ito sa kanya. Dahil sa hindi magandang ugnayan niya ngayon sa kanyang ina umabot pa talaga sa puntong pina-banned si Sarah at Matteo sa mismong subdivision na kanilang tinirahan dahil sa sama ng loob ni Mommy Divine sa kanilang dalawa.

Samantala, umaasa pa rin si Matteo na balang araw ay magkakaroon siya ng magandang relasyon sa pamilya ni Sarah lalo na kay Mommy Divine.

Saad ni Matteo, “In God’s time, [we are] positive, things will heal. Things will be better.”

Dagdag pa niya, “You know, having drinks together, pasta together. I think that’s our family’s dream. So ‘yun. One day, it will happen.”

Nagpahayag din ang mga netizens ng kanilang mga positibong pahayag na pampatibay-loob para sa pagkakasundo ni Sarah at ng kanyang ina. Ayon sa mga netizens ang oras ang magpapagaling sa lahat ng bagay na hindi pa naayos at sa pagtatapos ng araw, ang dalawa ay mananatili pa rin namang pamilya.

Kaya’t umaasa ang mga tagahanga ng Popstar Royalty na darating ang oras na muling makakasama ni Sarah ang kanyang Mommy Divine bilang isang buong pamilya uli.

The post Popstar Royalty Na Si Sarah Geronimo, Nagdadalang Tao Na Nga Ba? appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments