Looking For Anything Specific?

AJ Raval napasana-all sa pa-billborad ni Xian Gaza para sa Kpop star na si Kim Jennie ng Blackpink

Kahit sino naman talaga ay mapapa sana all sa pabillboard ni Xian Gaza.

Kamakailan nga lamang ay viral ang style ng pag-aaya ni Xian nh dinner date. Sa kanyang ultimate crush na si Jennie Kim ng Blackpink.

Gumastos si Xian ng halos 1.5 million pesos sa pagpapagawa ng billboard.

Ang nasabing billboard ay inilagay malapit sa Blackpink YG Entertainment headquarters sa Hongdae area, Mapo-gu, Seoul.

Dahil hindi umano niya alam kung paano makokontak si Jennie. nagdesisyon siya na malapit sa headquarters ng YG Entertainment niya ipapalagay ang billboard nito.

Samantala, isa naman sa napa sana all sa big gesture na ito ni Xian ay si AJ Raval.

Shinare ng aktres ang post ni Xian na tila nainggit sa pabillboard para kay Jennie Kim.

Maraming netizens naman ang nagtanong kung gusto daw ba ng aktres na gawin din ito sa kanya ni Aljur Abrenica. O sadyang napa wow lang talaga sya sa kagalantehan ni Xian.

Ngunit syempre dedma sa bashers ang aktres lalo na at kakabalik niya lang sa social media. After almost two weeks ng pamamahinga.

Samantala, ibinahagi din ni Xian na sinabihan siya ng mag business partner niya sa Korea. Na sana daw ay nilagay niya ang logo ng kanilang business sa billboard.

Ngunit hindi siya pumayag dahil hindi daw magmumukang totoo o sincere ang kanyang proposal.

Aniya pa ay mababawi naman daw niya ang nagastos na 1.5 million sa loob ng sampung araw.

“GALIT KA DAHIL PINURI KO SI AJ RAVAL”, Cristy Fermin sinabing ito ang dahilan kung bakit siya pinasaringan ni Kylie sa Twitter!

Kamakailan lamang sa pinaka-latest na balita ni Cristy Fermin sa kanyang Cristy Ferminute noon lamang October 22, 2021. Diretsahan niyang sinagot ang naging pasaring sa kanya ni Kylie sa twitter.

Dito kanyang sinabi ang dahilan kung bakit nagalit si Kylie sa kanyang post, ito ay marahil dahil sa pagpuri ng kolumnista sa sexy-actress na si AJ Raval kung saan ito ang naiiugnay sa kanyang ex-husband na si Aljur Abrenica.

Source:IG/aj_raval_

Saad niya, “Okay, eto ka ngayon, meron kang ipinost na ganito at nagagalit ka sigurado dahil pinuri ko si AJ Raval. Gusto kong sabihin sa yo na yung papuri ko kay AJ Raval ay galing sa puso.”

“Hindi iyon sinabi lang ng bibig at galing sa ilong. Akoy humahanga sa mga taong, marunong tumanggap ng pagkakamali. Yung nilulunok nila yung kanilang pride at hindi lang yung laway nila kapagka kailangan”.

Source:IG/aj_raval_

Pahayag pa ni Cristy, mas humahanga umano siya kay AJ dahil mas marunong daw itong tumanggap ng kanyang pagkakamali. At bibihira lang daw ang kagaya niya na kapag nakagawa ng pagkakamali ay humihingi agad ng tawad sa lahat ng taong naapektuhan niya.

Aniya pa, “Bibihira ang tulad ni AJ Raval na nakagawa ng pagkakamali pero humingi agad siya ng paumanhin, sa publiko, sa mga taong naapetkuhan, lalo na sa iyo.”

Source:IG/aj_raval_

“Si AJ Raval ay hindi tulad ng ibang personalidad, na buking na buking na alam na alma na pati ng konsensya niya na siya’y nagkakamali, pero nagmamaldita pa at nagyayabang. Iyon ang dahilan kung bakit ko pinuri si AJ Raval,” sabi pa ng kolumnista.

Dagdag pa ng kolumnista, gusto niya rin daw ang personalidad ni AJ dahil hindi daw ito nagmamaldita at nagyayabang. Kaya buong puso daw niyang pinupuri ang dalaga. Hindi rin daw nakakapagtaka kung bakit nakuha ng aktres ang puso ni Aljur.

Panoorin ang kabuuang detalye kay Cristy Ferminute:

The post AJ Raval napasana-all sa pa-billborad ni Xian Gaza para sa Kpop star na si Kim Jennie ng Blackpink appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments