Looking For Anything Specific?

Alexa Ilacad at Albie Casiño, nagkakaroon ng initan sa loob ng PBB House

Mukhang magkakabangga ang dalawa Kapamilya stars na sina Albie Casiño at Alexa Ilacad sa loob ng PBB House.

Kapapasok pa lamang ni Albie sa loob ng Pinoy Big Brother House subalit tila may isang housemate na siyang ‘kinaiiritahan’.

Batay sa kanilang pag-uusap ng kapwa housemate na si Eian Rances, na ipinalabas sa Tuesday episode ng PBB.

Ayon kay Albie hindi niya nagugustuhan ang inaasta ni Alexa sa loob ng bahay ni Kuya.

“Dude, ayoko siya kung paano siya umasta dito,” saad ni Albie.

“Saka hassle pa kasi siya pa ’yung pinaka kilala ko dito. Happy pa ako noong una na makakasama ko siya. Tapos siya pa ’yung pinaka irita ako sa lahat,” dagdag pa ng aktor.

Lalong lalo na pagdating sa food budget nilang mga housemates

Isyu umano kay Albie ang pagtatago ni Alexa ng mga food items na gusto nito para sa sarili niya. Nagkainitan din sila sa pagpili ng ‘peanut butter’ para sa kanilang weekly food supply.

“Napaka walang hiya mo naman. Lahat tayo dito gutom,” bulalas pa ni Albie. Habang kausap niya ang kapwa housemates.

Pinayuhan naman ni Eian si Albie na habaan na lamang ang pasensya upang hindi ito pagmulan ng anumang conflict sa loob ng bahay.

Nagkasama na sila ni Alexa sa isang proyekto bago ang PBB. Ito ay ang ‘Init sa Magdamag’ na pinagbidahan nina Gerald Anderson, Yam Concepcion, at JM De Guzman na natapos na rin bandang Setyembre nitong 2021.

Panoorin dito ang mga video clips:

 

Cristy Fermin, nakaramdam ng awa kay Albie Casiño: “iya dapat si ‘Daniel Padilla’ ngayon”

Nakaramdam ng awa si Cristy Fermin para kay Albie Casiño. Sa kabila ng mga patutsada ng aktor laban kay Andi Eigenmann.

Sa isang episode ng programang Take It Per Minute Me Ganun. Sinabi ni Cristy na alam niya ang puno’t dulo ng isyu nina Albie at Andi.

Kaya ganoon na lamang umano ang galit na nararamdaman ng aktor para sa kanyang dating kasintahan.

Saad ng batikang kolumnista, “Hindi ganun ka sinsero at kaseryoso.. parang hehehe.. ako naman ay naaawa kay Albie. Alam ko kasi ang storya niyan eh. Siya dapat si Daniel Padilla ngayon.”

Pagpapatuloy pa nito, “Siya dapat ang kapareha ni Kathryn sa malaking produksyon ng Star Cinema”Pero nung pumutok ito, humanap ulit sila. Parang ganun.”

“At si Daniel Padilla nga ang nakuha ng pa-audition.”

“Pero nung pumut0k ito, humanap ulit sila. Parang ganun.”

“So syempre sa puso ng isang tulad ni ano, ang laki-laki dapat ng ginenansya ko sa buhay na ‘to. Pero nawala dahil sa isyu na ‘yan. Eh ang dulo, hindi naman pala siya ang tatay,” dagdag pa nito.

Singit naman ni Mr. FU, Kaya siguro meron pa ring himutok, dahil may history”

Habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa nangyari sa career ni Albie. Napagtanto ng mga host na kung sakaling hindi nangyari ang bagay na iyon ay dapat sana kasing sikat na ni Daniel si Albie.

Hindi sana madidiscover ang tambalang KathNiel kung hindi lumabas ang isyu noon nina Andi at Albie.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang paguusap:

The post Alexa Ilacad at Albie Casiño, nagkakaroon ng initan sa loob ng PBB House appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments