Looking For Anything Specific?

Nikko Natividad, hindi napigilang maiyak sa kanyang kasal habang inaalala kung paano siya pinatawad at inunawa ng kanyang partner sa pagkakasala niya noon

Bumuhos ang emosyon ng Hashtag member na si Nikko Natividad sa kasal nila ng kanyang misis.

Nangyari ang garden wedding nina Nikko at Cielo sa Club Ananda sa Nasugbu, Batangas, nitong Linggo, October 31, 2021.

Sina Nikko at Cielo ay pitong taon nang magkarelasyon. Mayroon silang isang anak na lalaki.

Samantala, sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Nikko ng isang video clip.

Kung saan makikitang bigla na lamang siyang naging emosyonal habang sinasambit ang kanyang wedding vows.

Inalala niya kasi kung paano siya inalagaan at pinatawad ng kanyang misis sa mga kamaliang nagawa niya dito.

Si Cielo din umano ang nakapagpabago ng takbo ng kanyang buhay. Dumating si Cielo noong hindi niya na alam ang direksyon na kanyang tinatahak.

Ani Nikko sa video, “Dumating ako sa punto ng buhay na sobrang sama ko, pero di mo ako binitawan.

“Ang hinding-hindi ko makakalimutan, yung araw na sinabi mo sa akin na naniniwala kang magbabago ako”

 

Sa mga naunang post din ng aktor ay ibinahagi niya ang kasiyahan na kanyang nadarama.

Napakaswerte din umano niya na si Cielo ang kanyang napangasawa.

 

Kabilang sa mga dumalo sa kasal nina Nikko at Cielo ay ang Hashtags members na sina Kid Yambao, Tom Doromal, at Ronnie Alonte at girlfriend na si Loisa Andalio; Barbie Imperial; Vance Larena; at Ejay Falcon at girlfriend na si Janna Roxas.

 

Nagpasalamat din si Nikko dahil natupad ang dream wedding nilang magasawa.

 

Panoorin dito ang kanilang wedding vlog:

Panoorin, ang isang Bride na sinampal ng kanyang groom sa araw mismo ng kanilang kasal!

Ang kasal ay isang mahalagang seremonya para sa dalawang taong nagmamahalan. Ito ay mahalaga sa pagbuo ng isang pamilya dahil ito ay may basbas ng poong maykapal na sa hirap at ginhawa ang dalawang taong pinagbuklod ng Diyos kailanman ay hindi maaaring maghiwalay.

Sa kasalan na karaniwang nagaganap, nauuso ang mga tradisyon na mga gawain katulad na lamang ng paghagis ng bulaklak, pagpalipad ng kalapati, pagtatapon ng bigas, pagsayaw ng money dance, ang palitan na pag-inom ng wine at higit sa lahat ang pagsusubuan ng cake.

Lahat ng ito ay hindi nawawala na tradisyon kapag ang dalawang taong nagmamahalan ay nagpapakasal. Kagaya na lamang ng bagong kasal na ito na isinagawa ang isa sa mga tradisyunal na gawain kapag naikasal na. Isang video ng bagong kasal na ito ang nag-viral sa social media dahil sa nakakalungkot na pangyayari sa bride ng sila ay nagsubuan ng cake.

Sa videong ito mapapanood na malakas na sampal ang ginawa ng groom sa kanyang bride. Sa mismong araw ng kanilang kasal napakalakas na sampal ang lumapat sa pisngi ng bride. Ito ay hindi nangyayari sa dalawang taong nagmamahalan lalo pa’t ito ay sa araw ng kanilang kasal.

Siyempre ang pangyayaring ito ay may dahilan, naganap ang sampalang ito nang magsubuan ang bagong kasal ng cake. Matapos kasing subuan ng groom ang kanyang bride ng cake, susubuan na din sana ng bride ang kanyang groom.

Subalit ang bride ay tila nakikipagbiruan at hindi niya agad ito isinubo sa kanyang groom. Ito ang marahil na ikinagalit ng groom upang masampal niya ng malakas ang kanyang bride.

Ang ginawa ng groom ay agad namang inawat ng kanilang mga bisita. Samantala, tila mababakas sa mukha ng bride na hindi lang ito ang unang beses na ginawa ito sa kanya ng kanyang groom. Dahil mapapansin na hindi man lang siya nagalit sa kanyang groom na tila sanay na siyang sinasampal nito.

Nakakalungkot ang pangyayaring ito para sa bride dahil ang isa sa pinakamasayang araw ng kanilang buhay ay nagdulot kaagad sa kanya masakit na karanasan.

Nawa’y huwag sanang gayahin ng mga kalalakihan ang ginawa ng groom na ito, bagkus ang mga kababaihan ay nirerespeto at minamahal kahit anu pa man ang mangyari.

The post Nikko Natividad, hindi napigilang maiyak sa kanyang kasal habang inaalala kung paano siya pinatawad at inunawa ng kanyang partner sa pagkakasala niya noon appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments