Reaksyon ng mga kaibigan ng kapatid ng aktor na si Joshua Garcia nang masilayan siya viral ngayon sa social media.
Hindi kaila sa publiko ang kagwapuhang taglay ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia.
Kaya marami talaga ang humahanga hindi lang sa pisikal niyang kaanyuhan kundi sa galing din niya sa pag-arte.

Taong 2015 noon nang maging isa siya sa mga nabigyan ng pagkakataon na makapasok sa Pinoy Big Brother house. At mula noon ay talagang napamahal na siya sa maraming mga Pilipino.

Ang kaniyang mga magulang ay sina Geo Garcia at Marife Espineli. Mayroon din siyang isang kapatid na babaeng mas matanda lamang sa kaniya ng isang taon.

Siya ay walang iba kundi si Lorenza Mae. Renza kung tawagin siya ng kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Maliban sa pagiging “Stage Sister” para kay Joshua, si Lorenza ay nag-asikaso din sa anak niyang si Skyler.

Kapansin-pansin din ang angking kagandahan niya na maaari na ring pumasa bilang isang artista tulad ng kaniyang kapatid.

Nagtatrabaho si Renza sa isang cosmetic clinic bilang tech dematologist.

Malaki rin ang pasasalamat ni Renza kay Joshua dahil sa pagmamahal at pagsuporta nito sa kanilang pamilya lalo na sa kaniyang anak.

“Single mom” si Renza ngunit hindi niya naramdaman na nag-iisa siya dahil sa suporta ni Joshua at ng buo nilang pamilya.
Sa ngayon ay mayroon na ding sariling YouTube channel si Renza. At ang video niya kamakailan ay anging usap-usapan online.
Ito ay dahil sa reaksyon ng mga kaibigan niya na guest niya sa kanyang vlog ng makita ng mga ito si Joshua.
Kitang kita sa video na palihim na kinikilig ang dalawang kaibigan ni Renza ng bumaba si Joshua.
Nang umakyat naman ang aktor ay saka pinakawalan ng mga ito ang kanilang mga tili.
Narito ang video:
Ivana Alawi, nadulas sa interview ng aminin na nagkaka-usap na sila ni Joshua Garcia ‘as a friend’
Kinikilig na inamin ni Ivana Alawi na nagkaka-usap sila ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia.
Hindi naman kaila sa publiko na ultimate crush ni Ivana si Joshua. Nabunyag ito ng na-prank siya ng kaniyang pamilya bilang selebrasyon ng kaniyang 2nd anniversary sa YouTube.
Isa na nga sa mga pakulo ng kapatid niyang si Mona ay ang compilation ng video greeting ng mga malalapit na kaibigan ng aktres pati na rin ang crush nito na sina Joshua Garcia at Liza Soberano.

Bahagi ng message ni Joshua kay Ivana: “Follow me on Instagram! Kidding aside, I just hope you and your family are safe.”

Kaya naman ng makapanayam si Ivana ni Ogie Diaz, isa si Joshua sa naging topic ng kanilang pag-uusap.

Tinotoo ang pag-follow nila sa isa’t isa dahil inamin ni Ivana na may direct messaging (DM) sila ni Joshua sa Instagram.

Pero wala pa sila sa getting to know each other stage or any romantic relationships. Nag-uusap daw sila paminsan as a friend.

Sa mga binitawang pahayag ni Ivana, halatang ope siya niya kung sakaling ligawan siya ni Joshua.

Tanong ni Ogie, bakit “fanatic” si Ivana kay Joshua gayong may pangalan din naman siya?

Sagot naman ng sikat na vlogger, “Para sa akin kasi, I’m a normal person. Meron akong mga crush, meron akong girl crush, and marami akong hinahangaan. Normal sa akin.”

Naibahagi din ni Ivana na isa si Joshua sa pinapangarap niyang makatrabaho in the near future. Inamin din niya na hindi pa sila nagmi-meet in person.

Inisa-isa din ni Ivana ang mga nagustuhan niya kay Joshua.
“Cute yung mukha. At saka mabait siya. Nakita ko parang family-oriented, pero hindi ko masabi kasi hindi ko pa nami-meet personally.”
Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang kwentuhan:
The post Viral reaksyon ng mga kaibigan ng kapatid ni Joshua Garcia ng makita nilang lumabas ang aktor sa kwarto nito appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments