Looking For Anything Specific?

Paolo Contis, nagbabalak na bisitahin umano ang anak na si Summer sa NY ngayong darating Disyembre

Mukhang miss na miss na ni Paolo Contis ang bunso niyang si Summer.

Sa latest episode ng radio at digital program na Cristy Ferminute si Paolo ang naging topic ni Cristy.

Saad ni Cristy tahimik lang daw ngayon si Paolo. Pero mas maigi daw iyon kesa magsalita pa ito at mas lalong lumala ang sitwasyon nila ni LJ Reyes.

Ibinahagi din ni Cristy na nasasaktan din ang aktor at miss na miss na nito ang anak niyang si Summer.

Ayon pa kay Cristy nagpaplano na din si Paolo na dalawin ang kanyang anak sa darating na December. Na ngayon ay nakabase sa New York kasama ang pamilya ni LJ.

Paglalahad ni Cristy, “Of course, nasasaktan siya. Of course, nami-miss niya si Summer, kanyang anak.”

“At ang plano nga yata niya ay pumunta ng New York sa December para dalawin ang anak niya. Ewan lang natin kung matutuloy yon.”

“Pero yung pagtanggap niya sa naganap sa kanila ni LJ, parang, napaka-casual, casual na casual lang.”

Ipinaliwanag din ni Cristy kung bakit ganun na lang ang inaasta ni Paolo ngayon.

“Hindi dahil wala siyang pakiramdam, kundi binibigyan lamang niya na pagkakataong magsalita nang magsalita ang dating karelasyon na hindi na niya sasagutin pa, okay na sa kanya yon.”

Matatandaan na kamakailan lang ay nagsalita muli si LJ sa panayam niya kay Boy Abunda.

Sinabi nitong hindi daw nagpaparamdam si Paolo sa kanilang mag-ina. Simula pa noong naisapubliko ang kanilang hiwalayan.

Hanggang sa lumipad na nga siya kasama ang dalawang anak papuntang New York.

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy tungkol kay Paolo:

LJ Reyes, diretsahang inamin na hindi pa handa patawarin si Paolo Contis sa mga nagawa nito.

Mahigit isang buwan ang nakalipas ng hiwalayan nila ni Paolo Contis, nagpaunlak si LJ Reyes ng isang panayam.

At dito ay ibinahagi ng Kapuso actress na hindi pa siya handang patawarin ang dating partner na si Paolo.

Sa panayam ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Martes. Sinabi ni LJ na nagsimula nang maging normal ang buhay nilang mag-iina sa Amerika.

Pagbahagi ng aktres, nagsimula nang pumasok sa face to face classes si Aki.

Bukod din sa pag-aalaga kay Baby Summer, sinabi ni LJ naglalaan din siya ng oras para magsanay sa kanilang family restaurant sa Brooklyn, New York.

Samantala, nang maitanong naman kung handa na kaya siyang magpatawad tugon ng aktres,

“Forgiveness is a work in progress. Hindi madaling ibigay ang forgiveness. I mean lahat naman tayo we get hurt, angry, but you work on it every day to forgive people, yourself, or whoever. You pray about it.”

“Hindi kasi siya madaling bagay na ibigay so surrender lang talaga kay God and I’m working on it.”

Hindi na nagdetalye si LJ sa hirap na pinagdaanan niya sa hiwalayan nila ni Paolo.

Naibuhos na niya ang pait na nadama nang una niyang kumpirmahin sa publiko noong September 1, 2021 na kinailangan niyang lumipad pa-New York para muling makabangon.

Matatandaang nito lamang Agosto nang ibunyag ng aktres na hiwalay na sila ni Paolo matapos ang kanilang 6 taon na pagsasama.

Matapos nito, lumipad patungong New York, USA si LJ bitbit ang kanyang 2 anak. Na sina Aki at Summer at pansamantalang naninirahan kasama ang pamilya niya doon.

Nakangiting ikinuwento din ni LJ na nahanap niya sa New York ang privacy. Na nais niya matapos ang kontrobersiyal na breakup nila ni Paolo.

The post Paolo Contis, nagbabalak na bisitahin umano ang anak na si Summer sa NY ngayong darating Disyembre appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments