Kilala ang sikat na komedyanteng si Super Tekla dahil sa husay nito sa pagpapatawa. Una siyang sumikat at nakilala dahil sa TV show ni Willie Revillame na ‘Wowowin’ kung saan siya ay naging co-host kasama ang kanyang partner na isa ring comedienne na si Donita Nose. Napapanood rin siya sa mga pelikula at mga palabas sa telebsyon. Ngayon, ay pinasok na rin ni Tekla ang pagiging isang YouTube vlogger.

Marami man siyang nasangkutan na kontrabersya nanatili pa rin si Tekla sa pagiging matatag sa buhay para sa kanyang dalawang anak. Kamakailan nga lamang ay nanawagan si Tekla sa kanyang social media account kung saan siya ay humihingi ng panalangin para sa kanyang bunsong anak na si Baby Angelo.
Ang kanyang anak na si Baby Angelo ay may mahirap na pinagdadaanan ngayon kung saan ito ay naging positibo sa Cor0navirus at nasa Quezon City General Hospital kung saan ito naka-c0nfine.
Matatandaan na noon lamang nakaraang taon ay isinailalim sa operasyon ang kanyang anak dahil sa sakit nito sa puso kung saan ang puso nito ay may butas kaya kinailangan itong maoperahan. Maliban sa sakit nito sa puso, ay mas lalong naaapektuhan ngayon ang kalusugan ng kanyang anak dahil sa lumalaganap na sakit.

Kaya naman bilang isang magulang na labis na nagmamahal sa kanyang anak siya ay humihingi ngayon ng tulong panalangin sa lahat ng tao na nawa’y maging agaran ang paggaling ng kanyang anak.
Saad ni Tekla sa kanyang post, “Kahit Anung ingat… Need your prayers for Angelo confined,QCGH C0VID, Ama di ko alam ang gagawin. Kayo na ang bahala kay Angge.” Sa pagbabahagi niya ng kanyang post, agad namang bumuhos ng panalangin at suporta mula sa kanyang mga tagahanga ang kanyang naging panawagan.

Narito ang ilan sa kanilang komento:
“God Is Good Nay Hindi Nya Papa Bayaan Si Angelo In Gods Will”
“Lahat may kasagutan idol laban lang, dami na pinagdaanan ni baby angelo ngayun pa diyan susuko, sending hugs God bless”
“Lakasan mo loob mo Tekla. Kapit ka sa Diyos. Malalagpasan din ni angelo lahat yan. Sending prayers”
“laban lng idol tekla.kya ni annge yan.at ang will nmn ni lord ang mannaig sa bandang huli.kya.mg tiwla tayu sa ama.get well ky bb angge”
“Laban lng Ange kasma ka sa amin dalangin bukas magaling kna in jesus name amen”

Sa kabila ng kanilang pinagdadaanan na naman ngayon lalo higit sa kanyang anak paniguradong magkakaroon ng lakas ng loob si Tekla na malagpasan ang lahat ng ito sa tulong na rin ng kanyang mga kaibigan at mga supporters na hindi siya pinababayaan sa laban ng kanyang buhay.
Super Tekla napagbintangan na sh0pl1fter sa isang convenience store, saleslady pinatawad ng komedyante
Binalikan ng Kapuso comedian na si Super Tekla ang kanyang karanasan sa isang convenience store.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post. Ibinahagi ni Super Tekla ang kanyang naranasang kahi’hi’yan sa isang convenient store sa Quezon City.

Ito ay matapos siyang harangin ng saleslady dahil inakala raw nito na may kinuha pa siyang item matapos niyang magbayad.

Kuwento ni Super Tekla, “Mistaken identity 711 E ROAD BRANCH I BUY SOMETHING HINARANG AKO NG SALE’S LADY AFTER KO MABAYARAN YUNG BINILI KO MAY KINUHA DAW AKUNG ITEM…

“SABI KO, ‘ARE YOU SURE ATE?’ NAPAHIYA AKO DAMING TAO.
“SABI NYA KA’PKA’PAN DAW DAW AKO THEN SABI, ‘GO AHEAD.’
“WALANG NAKITA SA AKIN PINA CHECK KO ANG RESIBO KO KUMPLETO BAYAD AT YUNG BINILI KO.”

Nung ibinaba na ni Tekla ang kanyang f@cem’ask, saka lang siya nakilala ng store clerk na sising-sisi raw sa pagbibintang sa kanya.

Dito na nagsimulang mag-sorry at umiyak ang saleslady dahil sa maling nagawa niya.
“Ate kina’pkap’an mo at pinagbintangan mo ako tapos ngayon iiyak ka at nagso-sorry dahil nagkamali ka, ganun lang kadali ‘yun?” saad ni Super Tekla sa babae.

Masuwerte ang saleslady dahil mabait at maunawain ang komedyante. Pinalagpas na lamang ito ni Super Tekla dahil ayaw rin naman nitong mawalan ng trabaho ang babae.

Abot langit naman daw ang naging pasasalamat ng saleslady kay Tekla nang patawarin niya ito at palagpasin na lamang ang nangyari.
“Iniisip ko rin maraming umaasa sa kanya. Mas mainam ang magpatawad at unawa minsan sa sitwasyon,” saad niya pang muli.
Narito ang kabuuan ng post ni Super Tekla:
The post Super Tekla, humihingi ngayon ng tulong panalangin para sa kanyang anak na si Baby Angelo dahil sa pinagdadaanan nito ngayon! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments