Inilahad ni Cristine Reyes ang hindi magandang childhood niya noon dahil sa kalupitan ng kanyang ina.
Kamakailan lang ay naging guest si Cristine sa podcast ni Liza Florida na ‘ Eight Billion Project’. Dito ay ibinahagi ng aktres na siya pala ay ad0pted lang noon.

Kinagisnan nito ang itinuring niyang ‘Daddy Metring’ na nagparamdam sa kaniya ng tunay na pagmamahal ng isang ama sa kabila ng simpleng buhay ngunit, hindi pala ito ang kaniyang biological father.

“So they sat me down, my Daddy Metring said actually, it’s not him. It’s his wife Mommy Shirley. They told me, You’re not our real child. I was shocked. They said, ‘Your real mom is on the way here” pagbabalik tanaw ni Cristine.

Naalala umano ng aktres na hinatak umano siya ng kaniyang tunay na ina paalis habang umiiyak at mahigpit ang paghawak nito sa kaniyang Daddy Metring. Habang nagmamaneho umano ang kaniyang ina ay sinabi nitong kalimutan na raw ni Cristine ang kaniyang kinalakihang pamilya dahil hindi niya naman ito kadugo.

Sa murang edad, hindi napawi ng marangyang pamumuhay ang sakit na dulot ng pagkawalay nito sa kaniyang ama-amahan.

“It wasn’t a very welcome for me. I think I don’t belong here.”

Habang tumatagal, nararamdaman umano ni Cristine na parang may galit sa kaniya ang ina. Narinig niya umano rito ang ilang mga pahayag na hindi gugustuhing marinig ng sinumang anak mula sa kanilang mga magulang.

“You never should have been born. You’re just something else. Your grip was there. I aborted you so many times. You should have d1ed”

Kaya noong 21 na siya, bumukod na umano siya ng bahay ngunit nagdulot naman ito ng tra’uma sa kaniya.

Kahit na ngayong may anak na siya, hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam ng takot kapag naaalala ang kaniyang childhood.
Cristine Reyes, Binalikan ang Masalimuot na Pagkabata na Naranasan Niya sa Kamay Mismo ng Kanyang Sariling Ina
Muling binalikan ng aktres na si Cristine Reyes ang masalimuot niyang pagkabata. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na sa murang edad ay humarap rin sa iba’t-ibang pagsubok ang 32-anyos na aktres. Sa kanyang nagdaang interview sa podcast na ‘Eight Billion Project,’ nagbalik tanaw si Cristine sa mga dinanas niya sa kamay ng kanya mismong ina.
Ayon kay Cristine, anim na taong gulang pa lamang siya nang malaman niyang adopted lamang siya. Sa murang edad na ito ay binawi rin siya ng kanyang biological mother. Ngunit kahit pa muli siya nitong kinuha, hindi raw naramdaman ni Cristine ang aruga at pagmamahal ng isang ina dahil tila ba matindi ang galit at pagsisisi ng nanay niya.


“I was very neglected at six years old. I remember whenever there’s a problem, I would constantly hear words, ‘You know, you should have died. You never should have been born I tried so many times to abort you. Your grip was there, you should have died,’” ilan lamang daw ito sa mga masasakit na salitang sinabi ng kanyang ina.
Kaya naman sa murang edad ay namulat na si Cristine sa tahanan ng kanyang ina na binansagan niyang ‘hell house.’ Labis rin daw niyang nami-miss ang kanyang adoptive family, lalo pa’t sila ang tunay na nagparamdam sa kanya ng pag-aaruga at pagmamahal. Edad 21 nang sa wakas ay bumukod na rin si Cristine.

Ayon sa kanya, labis na trauma ang dinanas niya sa kamay ng kanya mismong ina. Lagi rin daw siyang takot, at napuno ng galit ang puso niya dahil sa ‘unloving environment’ na kinalakihan niya. At ngayong nanay na rin siya, ayaw niya rin daw maulit pa ang pangyayaring ito sa kanyang anak.
“Now, I’m realizing you can speak up. I can stand up for myself. I’m already 32 and I still have that in me wherein I can’t speak my mind. I can say no if I don’t want to. I wanna work on self-care. Yeah, I have this past. Yeah, I have a bad childhood. But you can always make a difference. You don’t have to carry it.”

The post Cristine Reyes, ibinahagi ang matinding trauma mula ng pagkabata hanggang mag-edad ng 21 sa kanyang biological mother appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments