Looking For Anything Specific?

Ronnie Alonte at Loisa Andalio, umani ng samut-saring reaksyon ngayon dahil sa kanilang viral video na pagluluto

Maraming netizens ang naiinggit at kinikilig ngayon sa viral vlog ng magkasitahang sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio

Sa episode na Not My Arms challenge, ipinakita nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang pagluluto ng tinola.

Sa nasabing challenge ay kamay ni Ronnie ang gamit sa paghihiwa at pagluluto habang nakayakap siya kay Loisa. Ang aktres naman ang nagbibigay ng instructions sa mga dapat gawin ng nobyo.

Makikita ang mga kamay ni Ronnie ang kumikilos sa pagbabalat ng mga gulay, paghalo ng ingredients hanggang sa pagluluto ng nasabing recipe habang si Loisa ang nagbibigay ng direksyon.

Makatapos ang kanilang pagluluto ay masaya nilang pinagsaluhan ang kanilang espesyal na tinola.

Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang video na ito ng magkasintahan. May ilan pang netizens na nagbabala kay Ronnie na maghinay-hinay dahil baka kung saan mapunta ang malilikot nitong mga kamay na dikit sa katawan ni Loisa.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Pa’no magluto ng Tinola? First kailangan may jowa ka. Me: Ay, wag na pala magluto”

“Gaganda ng mga ngitiii halatang inlab na inlab sa isat isa”

“ok, sino ba naman ako para yakapin habang nag peprepare ng iluluto.”

“kalmahan molang loisa iba dinadakma mo”

“Nakakainggit naman dis . HAHAHA sanaol nalang talaga ako Loiniee.. “

Panoorin dito ang kabuuan ng nakakailig nilang video:

Video ni Ronnie Alonte na nagwo-workout, kinagigiliwan ngayon ng mga kababaihan

Muling nagbigay kilig sa maraming kababaihan ang Hashtag member at Kapamilya actor na si Ronnie Alonte.

Isa si Ronnie sa maituturing ngayon na matinee idol at bagong crush ng bayan dahil sa angkin niyang kagwapuhan.

Una siyang nakilala bilang member ng grupong Hashtag sa noontime show na “It’s Showtime” taong 2016.

Dito nagsimula ang kaniyang karera hanggang pinasok na din niya ang pag-arte sa harap ng kamara.

Naging ka-love team siya noon ni Julia Barretto sa ilang pelikula at TV series.

Ilang serye na din ang pinagbidahan at naging parte si Ronnie kasama ang mga beteranong Kapamilya stars.

Hanggang sa naging katambal na niya si Loisa Andalio, kasunod noon ay nadevelop sila sa isa’t-isa.

Naging real and reel life na ang kanilang relationship.

 

Naging makulay ang kanilang relasyon na hanggang ngayon ay going stronger pa din.

Sa katunayan ay mayroon silang YouTube channel at doon ay ibinabahagi nila ang kanilang mga activities.

Ibinahagi nga nila kamakailan ang “man cave” ni Ronnie.

Ito na ngayon ang favorite tambayan niya para libangin ang sarili lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Samantala, sa isang live video na ibinahagi ni Ronnie kamakailan ay talaga namang kinakiligan ito ng maraming kababaihan.

Ang nasabing video ay nage-exercise lang si Ronnie pero kita pa din ang kagwapuhan nito.

Isang page nga ang nagre-post nito at sinabing, “Hello sa mga nakahiga na nanonood ng live ni Ronnie Alonte kanina”

Narito naman ang mga komento ng neizens ukol dito:

“Ang swerte mo talaga Loisa ganyan pala view pag top si ronnie”

“Swerte mo naman Loisa pahiram naman kahit saglit lng”

“Eto pala yung view na nakikita ni loisa”

Narito ang kaniyang video:

The post Ronnie Alonte at Loisa Andalio, umani ng samut-saring reaksyon ngayon dahil sa kanilang viral video na pagluluto appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments