Looking For Anything Specific?

AJ Raval, tapat na inaming nagpa-enhance ng dibdib at balak ng ipatanggal ngayong 2022!

Walang pasubaling inamin ni AJ Raval na siya pala ay retokada din.

Sa virtual media-con ng pelikula niyang Crush Kong Curly na ginanap ngayong araw, December 9. Ibinahagi ni AJ ang kanyang plano next year.

At ang isa nga dito ay ang pagpapatanggal ng implant na ipinalagay niya sa kanyang dibdib. Hindi na raw kasi siya kumportable dito.

Ayon kay AJ last 2020 ay may nag-suggest sa kanya na magpadagdag ng dibdib. Naging excited naman daw siya sa idea na ito ng mga panahon na iyon.

Aniya, “Hindi po ako nag-iisip that time. Na-excite po ako masyado.

“Naging happy naman po ako pero ang dami ko pa rin realizations and I’m planning na ipatanggal ko next year.”

Dagdag naman ng aktres nais na umano niyang magkaroon ng freedom. Kaya napagdesisyunan niyang next year ay ipatanggal na nga ito.

“Pero planning po ako na ipatanggal next year. Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko.

Before kasi, hindi naman ako nako-conscious sa b00bs ko. Pero ever since na ipinalagay po, dun po ako nag-start na ma-conscious.”

Isa pa umano sa mga nais mabago ni AJ sa kanyang pangangatawan ay ang kuminis ang kanyang balat.

Dahil noong kabataan daw niya ay napakalikot niya kaya marami siyang peklat. Sa edad naman niya ngayon ay mga outdoor activities naman ang kinakahiligan niya.

Kaya hindi din maiwasan na magkaroon siya ng sugat. At ang pagpapakinis nga muli ng kanyang balat ang isa sa balak niya sa susunod na taon.

The post AJ Raval, tapat na inaming nagpa-enhance ng dibdib at balak ng ipatanggal ngayong 2022! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments