Looking For Anything Specific?

Vicki Belo, hindi napigilang maging emosyonal matapos maghatid ng biyaya sa mga grab delivery driver.

Naging emosyonal ang isang delivery rider dahil sa pamaskong handog ni Dra. Vicki Belo.

Sa latest vlog ng celebrity doctor, namigay ito ng ayuda sa mga food delivery riders. Bilang pasasalamat umano sa magandang serbisyo ng mga ito.

Kaya lahat ng inorder na pagkain ni Dra. Belo ay ibinibigay niya sa rider na magdadala sa kanya. At may kasama pang walong libong piso.

Sa gitna ng kanyang video, isang grab rider ang napaluha ng matanggap ang perang ipinapamahagi ni Dra. Belo.

Kaya naman maging ang doktora ay hindi din napigilang maging emosyonal sa tagpong iyon. Pagbabahagi pa nga niya ay malambot talaga ang puso niya sa mga taong nagsususmikap at nagtatrabaho ng marangal para sa kanilang pamilya.

Ayon pa kay Dra. kaya daw eight thousand ang kanyang ipinamahagi ay para infinite blessings daw ang matanggap ng mga delivery riders.

Agad namang umani ng papuri ang kabutihang loob na ito ni Dra. Belo.

May mga nagsabi na mas lalo pa siyang ibebless dahil ibinabahagi din niya sa iba ang kanyang mga blessings.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Vicky Belo has really a good heart… That’s why she was so bless… God bless vicky.”

“It’s nice to see people like Dra. Vicki Belo with a big heart and very humble.”

“More blessings pa po Doc Vicky para marami pa kayong matulongan,God bless you.”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang vlog:

The post Vicki Belo, hindi napigilang maging emosyonal matapos maghatid ng biyaya sa mga grab delivery driver. appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments