Looking For Anything Specific?

Celebrity couple na sina Pauleen Luna-Sotto at Vic Sotto ay nagdiwang ng simple at masayang 10th year anniversary!

Lahat ng tao ay nagkakaroon ng masayang pakiramdam kapag nahahanap na nila ang taong magmamahal at mag-aalaga sa kanila sa habangbuhay. Hindi man madaling makahanap ng ganitong klaseng tao mapalad pa rin ang mga taong nakahanap ng isang tong kukumpleto ng kanilang buhay.

Source:IG/pauleenlunasotto

Isang patunay na dito ang pagsasama ng TV host-actress na si Pauleen Luna at ang veteran actor-commeddiene at sikat na TV host na si Vic Sotto. Kahit malayo ang agwat ng kanilang mga edad hindi naman ito naging hadlang upang sila ay magmahalan. Kilalang-kilala si bossing Vic sa kanyang pagiging mahusay na komedyante mula noon hanggang ngayon.

Source:IG/pauleenlunasotto

Hindi naman lingid sa alam ng karamihan ang naging buhay pag-ibig ni Vic sa una niyang asawa na si Dina Bonnevie. Sa kanilang pagsasama nagkaroon sila ng dalawang anak ito ay sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Boy Sotto. Habang nagkaroon naman ng ibang mga anak si Vic sa kanyang mga naging karelasyon matapos silang maghiwalay ni Dina. Ito nga ay sina Vico Sotto na anak niya kay Coney Reyes at Paulina Sotto na anak naman ni Vic kay Angela Luz. Siyempre hindi naman pahuhuli si Baby Talitha na kanyang anak sa kanyang asawa ngayon na si Pauleen.

Source:IG/pauleenlunasotto

Taong 2016 nang magpakasal si Pauleen at si Vic, kaya naman ngayong November 7, 2021 ay nagdiwang sila ng kanilang 10th year anniversary. Sa halip na magtungo sa ibang bansa o sa isang mamahaling restaurant upang ipagdiwang ang panibagong taon ng kanilang pagsasama. Mas pinili ng mag-asawa na magdiwang na lamang sa loob ng kanilang tahanan.

Source:IG/pauleenlunasotto

Sa isang pagbabahagi ni Pauleen sa kanyang social media, naghanda lamang ito ng isang simpleng handaan ngunit napakasarap na pagkain naman ang kanilang pinagsaluhan. Ayon sa caption ni Pauleen, “Simple anniv dinner, just the way we like it.”

Marami naman sa kanilang mga fans ang kinilig sa kanilang simpleng selebrasyon kung saan mababakas sa kanilang mga mukha ang kanilang kasiyahan. Nagbahagi din ng espesyal na mensahe si Pauleen sa kanyang minamahal na asawa na talagang umantig din sa puso ng marami.

The post Celebrity couple na sina Pauleen Luna-Sotto at Vic Sotto ay nagdiwang ng simple at masayang 10th year anniversary! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments